ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021
Mahigit 30 katao ang nasawi at lagpas 50 ang sugatan sa naganap na pagsabog sa labas ng paaralan sa Kabul, Afghanistan kung saan kabilang ang ilang estudyante sa mga naging biktima noong Sabado, ayon sa awtoridad.
Niyanig ng naturang pagsabog ang west Kabul district, Dasht-e-Barchi na regular nang target ng Sunni Islamist militants, habang maraming residente ang namimili para sa Eid-al-Fitr sa susunod na linggo.
Pahayag ni Interior Ministry Spokesman Tariq Arian, “More than 30 students and other countrymen have been killed, and over 50 more were wounded. The toll is rising.”
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng naturang pagsabog at inaasahan ding tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente. Itinanggi naman ng Taliban na sila ang nasa likod ng pagsabog.
Comments