Higit 100 kabahayan natupok sa GenSan
- BULGAR
- Nov 4, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 4, 2021

Natupok ng apoy ang higit 100 kabahayan sa isang coastal area sa General Santos City nitong Miyerkules nang hapon.
Nagsimula ang sunog pasado ala-una ng hapon sa Purok Saeg, Brgy. Calumpang.
Umabot ng halos apat na oras bago tuluyang nagdeklarang fire out ang General Santos Fire Station.
Batay sa report, higit-kumulang 1,025 pamilya ang apektado sa naturang sunog.
Mayroong isang residente na nasaktan sa insidente.
Kasalukuyan pa ang imbestigasyon sa posibleng pinagmulan ng apoy.
Pansamantalang nasa Calumpang Gym ngayon ang mga apektadong pamilya na nananawagan ng tulong lalo na at naganap ito sa gitna pa ng pandemya.
Comments