top of page
Search
BULGAR

Higit 1,000 estudyante nagpositibo sa test sa covid-19 sa University of Alabama sa Amerika

ni Lolet Abania | August 30, 2020



Mahigit sa 1,000 estudyante ang nagpositibo sa test sa covid-19 matapos na magbalik sa klase nitong nakaraang dalawang linggo sa University of Alabama sa Tuscaloosa campus, ayon sa University of Alabama System.


Sa tala ng UA System, bago pa mag-August 18, nadagdagan na ng 158 cases ang infected ng virus na nairekord sa campus sa kasalukuyang taon, na may kabuuang bilang na 1,201 kaso ng tinamaan ng coronavirus. Subalit, nag-resume ang klase nito lamang August 19.


Gayundin, ang UA sa Tuscaloosa, ang may pinakamaraming estudyante na nagpositibo sa test sa covid-19 sa tatlong campuses na mayroon ang University of Alabama System. Sa University of Alabama sa Birmingham (UAB), 157 kumpirmadong kaso ng estudyante ang infected ng virus, at sa University of Alabama sa Huntsville (UAH) 10 ang nai-report na cases, ayon sa coronavirus dashboard ng eskuwelahan. Walang naospital sa mga positive students na resulta ng covid-19, ani statement ng UA System.


"Our exposure notification efforts have revealed no evidence of virus transmission due to in-person class instruction," ayon kay Dr. Ricky Friend, dean ng College of Community Health Sciences ng UA.


"We remain satisfied that the precautions implemented prior to the resumption of classes -- including masking, distancing, and a blend of in-person and remote instruction -- are appropriate and effective," sabi pa ni Friend.


Gayunman, iminungkahi ni UA President Stuart Bell sa naturang komunidad na magsuot ng masks at isagawa ang social distance, parehong sa loob at labas ng campus, para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.


"At this critical time, we must be united and fully committed in our fight against COVID-19," sabi ni Bell. "I believe we will be successful this semester, and we all want to remain on campus throughout this fall, but we can only do so with your daily assistance."

Ayon kay Bell, ang pagtaas ng kaso ng nagpositibo sa covid-19 ay, "unacceptable" o hindi katanggap-tanggap. Kasabay nito ang pag-anunsiyo sa mga estudyante at faculty, na ang university police at Tuscaloosa police ay magmomonitor sa mga restaurant, off-campus residences at Greek housing upang masigurong ang lahat ng residente ay sumusunod sa coronavirus safety guidelines.


Samantala, ipinag-utos na ni Tuscaloosa Mayor Walt Maddox, sa lahat ng bars sa siyudad na isarado ito ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng kaso ng tinamaan ng covid-19.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page