top of page
Search
BULGAR

High blood pressure, kering labanan ng mais!

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 7, 2020




Ang mais o corn.


Kilalang-kilala ang mais dahil bukod sa bigas, ang mais ay numero-unong pagkain ng mga Pinoy.


Hekta-hektaryang lupa sa gitnang Luzon, Kabisayaan at Mindanao ang may pangunahing tanim na mais. Kapag bumiyahe ka sa Central Luzon, makakikita na ang high-way ay may mga mais at maging sa hindi gaanong kalakihang kalsada ay may mais din na nakabilad.


Maraming pakinabang sa mais dahil hindi lang tao ang kumakain nito kundi maging ang mga alagang hayop. Ang mga feeds na nabibili ay may sangkap ding mais, ganundin sa mga manok na panabong – mais ang nakahalo sa kanilang mga pagkain. Sa ganito, may pagkakaiba ang bigas at mais dahil ang mais ay hindi lang para sa pagkain ng tao.


Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa herbal medicine, angat ang mais kaysa sa bigas o palay at hindi lang dito kundi maging sa maraming halamang gamot.


Tulad ng mga sumusunod na kakayahan ng mais bilang herbal medicine:

  • Nakakatulong para makontrol ang diabetes. Ipinapayo ng mga dalubhasa na mais ang kainin kaysa kanin para sa mga diabetic.

  • May kakayahan din ang mais na labanan ang hypertension o high blood pressure.

  • Kaya ng mais na pababain ang cholesterol sa katawan ng tao.

  • Ang harina mula sa mais ay sangkap sa maraming produktong pampaganda at ang mismong harina ng mais ay pampaganda ng kutis kapag ipinahid.

  • Kaya rin nitong patayin ang mga mikrobyo na dumapo sa balat ng tao.

  • Panlaban sa anemia.

Narito ang nutritional facts ng mais. Ang isang tasang mais ay nagtataglay ng:

  • Vitamin B1 (Thiamin) 0.225 mg (18.75%)

  • Vitamin B3 (Niacin) 2.566 mg (16.04%)

  • Vitamin B5 (Pantothenic acid) 1.04 mg (20.80%)

  • Vitamin B6 (Pyridoxine) 0.135 mg (10.38%)

  • Vitamin B9 (Folate) 61 µg (15.25%)

  • Vitamin C (Ascorbic acid) 9.9 mg (11.00%)

  • Phosphorus, P 129 mg (18.43%)

  • Carbohydrate 27.12 g (20.86%)

  • Leucine 0.505 g (13.66%)

  • Magnesium, Mg 54 mg (12.86%)

  • Valine 0.268 g (12.69%)

  • Isoleucine 0.187 g (11.18%)

  • Threonine 0.187 g (10.63%)

  • Histidine 0.129 g (10.47%)

  • Manganese, Mn 0.236 mg (10.26%)

DAGDAG-KAALAMAN: Ang pinaglagaan ng buhok ng mais ay panlunas sa hindi maihi, may bato sa kindey at magandang inumin din ito ng mga babaeng hirap sa pagdating ng buwanang-dalaw.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page