top of page
Search
BULGAR

Higanteng isda, nahuli sa Tubabao Island, Eastern Samar

ni Lolet Abania | August 19, 2020




Nakahuli ng giant fish ang mga mangingisda sa Santa Monica village sa Tubabao Island, bayan ng Oras sa Eastern Samar, ilang oras matapos ang 6.8-magnitude na lindol sa lalawigan ng Masbate at ilang bahagi ng Eastern Visayas, kahapon.


Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Director Juan Albaladejo, tinawag ang higanteng isda na "Opah", na isang deep-water specie at natagpuan sa tinatayang 500-meter lalim ng karagatan.


May scientific name na Lampris guttatus, si Opah ay napag-alamang kauna-unahang warm-bloodied fish. Nagpapatunay ito na ang pagkakaroon niya ng warm blood o mainit na dugo na siya ay isang high-performance predator o mahusay mandagit at manginain, kung saan mabilis na lumangoy at madaling makita.


Gayunman, ayon kay Albaladejo ang pagyanig na tumama sa lalawigan ng Masbate partikular sa bayan ng Cataingan at mga aftershock na nararanasan sa Eastern Visayas, ang nagdudulot ng takot sa mga isda kaya napipilitan silang lumangoy sa mababang bahagi ng karagatan na madaling nahuhuli ng mga mangingisda.


Dagdag pa ni Albaladejo, si Opah ang pinakamahal na isda sa merkado dahil ginagawang sashimi ang kanyang laman.


Samantala, dalawa ang namatay at tinatayang 50 ang sugatan sa 6.6-magnitude na lindol sa Masbate, kahapon. Nag-iwan ang pagyanig ng pagkasira ng gusali at ilang ari-arian sa mga residente. Nakararanas pa rin ng aftershocks ang naturang lugar. Humihingi na rin ang lokal na pamahalaan ng lugar ng tulong pinansiyal para mga kababayang lubhang naapektuhan ng lindol.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page