'WAG IBOTO!
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 31, 2021
Pinalagan ng aktor na si Enchong Dee ang papuring ibinigay ni Presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo sa ating Pinoy pride na si Hidilyn Diaz matapos makasungkit ang 30-year-old na taga-Zamboanga ng gold medal sa ginaganap na Tokyo Olympics 2020 sa weightlifting category.
Sa kanyang Twitter account, nag-post si Enchong last July 27 ng dalawang pictures ni Panelo kung saan kasamang nakasaad ang dating naging pahayag nito tungkol kay Hidilyn at ang pagbati ngayong nanalo nga ang ating kababayan sa Tokyo Olympics.
Sa unang larawan, ganito ang mababasang diumano'y naging statement ni Panelo, “Just because you are a silver medalist, entitled ka sa drugs, bawal po 'yan, Ms. Hidilyn. Our intelligence report is very credible, kasama ka sa drug list.”
At sa pangalawang larawan, ito naman diumano ang naging pahayag ngayon ng legal counsel ni P-Du30, “CONGRATULATIONS Ma’am Hidilyn for the gold. We always know that you will bring honor to our country that’s why the Duterte administration always extend (sic) its support to you!”
Nilagyan naman ito ni Enchong ng caption na: "Jokes on you… never vote for this kind of clown… ever."
Pero sa naturang tweet, may isang netizen, si Maki Lance Guintu, ang nag-reply kay Enchong at sinabing 'fake news' ang ini-retweet niyang 'noon at ngayon' statement ni Panelo. May ibinigay pang link ang netizen para i-check daw ni Enchong ang article na nagsasabing fake ang kanyang inilabas.
Idinenay din diumano ni Atty. Panelo na may sinabi siyang masama kay Hidilyn Diaz noon.
Sa FB page ng legal counsel, nilinaw niyang, “I never said that Ms. Diaz is not entitled to drugs just because she is a sports medalist. Neither did I aver that she was part of a drug list.”
Alam kaya ni Enchong na na-fake news siya?
Comments