top of page
Search
BULGAR

Hidilyn Diaz, staff sergeant na ng AFP


ni Lolet Abania | July 28, 2021



Ipinahayag ni Armed Forces of the Philippines chief Cirilito Sobejana ngayong Miyerkules na si weightlifter Hidilyn Diaz ay binigyan ng promosyon bilang staff sergeant rank matapos na magwagi ng unang gold medal ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.


Sa isang statement, sinabi ni Sobejana na ang promosyon ni Diaz ay inaprubahan ng Philippine Air Force nitong Hulyo 27. “The Philippine Air Force through its Commanding General approved the promotion of Sgt Hidilyn Diaz effective 27 July 2021 to the rank of Staff Sergeant,” ani Sobejana.


“We laud and support this move at the General Headquarters to mark SSg Diaz’ remarkable achievements in the field of sports and for bringing pride and glory to our country,” dagdag ng opsiyal. Pinuri ni Sobejana si Diaz sa kanyang husay at determinasyon habang sinabing labis siyang ipinagmamalaki ng AFP.


Nitong Lunes, nakamit ni Diaz ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics nang magwagi siya sa women’s 55-kg weightlifting event ng 2020 Tokyo Olympics na ginanap sa Tokyo International Forum.


Ang pagkapanalo ni Diaz ang tumapos sa halos century-long Olympic gold medal drought ng Pilipinas mula nang sumali ang bansa sa games noong 1924. Mula noon ang bansa ay nagwagi lamang ng 3 silvers at 7 bronze medals. Gayundin, si Diaz ay nagwagi na ng silver medal sa women’s 53-kg category sa 2016 Rio Olympics.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page