ni Lolet Abania | July 28, 2021
Dumating na sa bansa ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Miyerkules nang hapon.
Sakay ng Philippine Airlines flight si Diaz kasama ang kanyang team na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Una nang sinabi ng Pinay weightlifter na nasasabik na siyang umuwi sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya.
Bago pa umalis sa Japan, si Diaz ay nanatili sa Malaysia simula pa noong nakaraang taon matapos na ma-stranded dahil sa COVID-19 lockdown. “[Excited akong] ipakita sa inyo ang medalyang napanalunan ko nu'ng isang araw at naipakita na kaya nating mga Pilipino,” ani Diaz sa isang video.
Nakamit ni Diaz ang makasaysayang laban nang magwagi sa women’s weightlifting 55-kg category. Bukod kay Diaz, ang team ng manlalaro sa skateboarding na si Margielyn Didal ay umuwi na rin sa bansa ngayong Miyerkules. Si Didal ay nasa 7th sa finals ng street skate event.
Comments