ni Eddie M. Paez Jr. / Clyde Mariano @Sports | February 11, 2023
Umiskor si Antonio Hester ng 28 points at sumunggab ng 12 rebounds sa una niyang laro sa Magnolia Chicken Timplados bilang import at sa wakas nakapanalo rin ang Hotshots, tinalo ang Phoenix Super LPG, 108-95 kahapon sa 2023 PBA Governors’ Cup sa SM Mall of Asia Arena.
Maagang nagpasiklab si Hester sa 13 puntos sa first-half at ilayo sa 58-36 lead sa break period. Lumagare ang Hotshots ng 63-36 lead sa third, pinakamalaking kalamangan sa ballgame. Nailagay na ang Magnolia sa win column sa unang pagkakataon matapos na matalo sa unang tatlong laro, ito ay nang palitan ni Hester ang hindi epektibong laro ni Eric McCree bilang import.
Samantala, pinakislap ni Kyle Amoroto ang tatlong kulay ng bandila ng Pilipinas nang magtagumpay ito sa pag-akyat sa trono ng Piala Birgilir 9-Ball Open Tournament sa Indonesia.
Pinatumba ng sinasabing kinabukasan ng Philippine billiards sina local bets Roy Wijaya (finals, 8-5) at Sopian Anwar (semifinals, 8-7) sa homestretch ng kompetisyon tungo sa kampeonato.
Tumapos sa likod nina Amoroyo at Wijaya bilang joint 3rd placer ang iba pang mga kinatawan ng punong-abala na sina Tokyo Jawab Barat at Sopian Anwar. Hanggang semifinals lang umabot sina Tokyo at Sopian.
Nagsilbi itong malupit na sundot sa mainit na pagsibad ng billiards carèer ni Amoroto dahil kinoronahan din siya kamakailan bilang hari ng 2022 Philippine 10-Ball Open. Sa naturang kompetisyon sa Quezon City, tinalo ng 20-anyos na pambato ng Taytay, Rizal si Paul John "Saging" Ladao sa kanilang pangkampeonatong salpukan, 19-9.
Nangibabaw din ang husay ni Amoroto sa Glory Lumber Year of the Rabbit Open 10-Ball Tournament noong nakaraang buwan.
Comentarios