top of page
Search

Heroes, nanatiling matibay sa 2nd win ng Cebu Super Cup

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | April 14, 2021




Nanatiling walang talo ang ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes ng kunin nito ang ikalawang sunod na panalo laban sa win-less na Dumaguete Warriors, 67-57, Martes ng hapon sa pagpapatuloy ng elimination round ng Visayas leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Sports and Civic Center sa Cebu.


Pina-apoy ng 36-anyos na dating PBA at MPBL guard Reed Juntilla ang opensa ng Heroes sa third quarter ng ibuslo nito ang lahat ng 12 puntos sa third quarter upang tulungan ang koponan na dumistansya sa madikit na Warriors na nakuha ang pangalawang sunod na pagkatalo upang manatiling wala pang panalo sa kauna-unahang professional league sa katimugan.


Nag-ambag din ng 4 rebounds at 3 assists ang Carmen, Cebu-native na si Juntilla na huling beses naglaro sa Bataan Risers. Sumuporta sa pagbigay ng puntos si Ferdinand Lusdoc na may 14 points at tig-isang assist at steal, samantalang nasayang ang mainit na mga kamay ni John Monteclaro na bumitaw ng 6-out-of-11 sa three point line para pangunahan ang Warriors sa 20 points at 4 rebounds.


Naging mababa lamang ang scoring output ng dalawang koponan sa unang dalawang quarter, kung saan kumamada lang ng 8 at 6 na puntos sa second quarter ang dalawang koponan para magtapos sa 25-23 sa Halftime.


Sa third quarter nagsimulang mag-init si Juntilla katulong sina Lusdoc, Vincent Minguito, Dawn Ochea at Hofer Mondragon para ibigay ang malaking kalamangan sa Heroes sa 4th quarter sa 16 sa 61-45, sa fourth quarter.


Sunod na makakalaban ng Heroes para sa target na 3rd straight win ang Siquijor Mystics, ngayong araw sa unang laro sa 2:00 pm, habang pupuntiryahing makasikwat ng unang panalo ng Warriors laban sa powerhouse na MJAS Zenith Talisay City Aquastars sa main event sa 8:00pm.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page