ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 10, 2025
Photo: Herlene Nicole Budol - Instagram
Aware si Herlene Budol, a.k.a. “Hipon Girl” na ang impression sa kanya ng marami ay bobo at mahina ang kanyang IQ (intelligence quotient).
Alam niya na nilalait siya at pinagtatawanan kapag siya ay nakatalikod, kaya kung minsan ay tumatahimik siya at dumidistansiya kapag nakakaramdam ng pangmamaliit sa kanyang pagkatao.
At sa halip na ma-offend at mag-self-pity, gumagawa si Herlene ng paraan upang kahit papaano ay may matutunan siya sa kanyang mga kasamahang artista.
Hindi niya iniisip na kasingtaas ng kaalaman ng iba ang laman ng utak niya at hindi niya sinisisi ang mga taong tinatawag siyang bobo dahil willing naman siyang matuto. Nagtatanong siya kapag may mga bagay na hindi niya alam.
Very supportive naman kay Herlene Budol ang karamihan sa mga artistang kasama niya sa Binibining Marikit (BM). Nakisama siyang mabuti at nag-effort na maging professional sa trabaho. At hindi niya naramdaman ang panghuhusga sa kanyang pagkatao.
Pantakip sa balikan issue nila ni Daniel…
MAYOR NA BF DAW NI KATHRYN, PROPS LANG
Marami ang hindi makapaniwala sa biglang paglutang ni Lucena Mayor Mark Alcala na diumano ay BF ngayon ni Kathryn Bernardo.
Parang ang bilis, bigla naman daw nagkaroon ng karelasyon si Kath, ganoong binubuo pa nga ng ilang fans ang KathDen (Alden Richards at Kathryn Bernardo) tandem.
Parang ang cheap ng ganitong publicity para lang masabing may love life si Kathryn.
May ilang netizens naman ang nagsasabi na baka isang tactic ang pagsulpot ni Mayor Mark Alcala upang mailayo sa isyu na may balikan kina Kathryn at Daniel Padilla.
Well, mukhang bantay-sarado ng mga fans ni Kathryn ang lahat ng mga may balak manligaw. Kailangan na pasado sila sa mga fans at supporters ni Kathryn Bernardo.
LINGID sa kaalaman ng publiko, at maging sa kanyang mga fans, dumaranas din pala si Vice Ganda ng matinding depresyon, at bigla na lang daw niya itong nararamdaman.
Sa kabila ng kanyang pagiging billionaire at pagkakaroon ng mga mamahaling gamit at luxury cars, nalulungkot din pala si Meme Vice. At ‘yun ang pilit niyang nilalabanan at itinatago.
Hindi siya puwedeng tumigil at magpahinga sa kanyang trabaho sa It’s Showtime (IS). Hindi lang kasi siya host ng IS, bahagi rin siya ng creative team na nag-iisip ng magagandang segments para sa kanilang noontime show.
Si Vice Ganda ang tumatayong main man o poste ng noontime show, kaya mahirap at malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang balikat.
Well, bawal siyang magkasakit, hindi rin siya puwedeng magbakasyon. Nakatali sa IS si Vice Ganda, at ito marahil ang dahilan ng nararamdaman niyang depresyon.
Kaya, pinapayuhan siya ng mga psychics na maging maingat sa kanyang mental health.
Comments