ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | September 25, 2020
Dear Doc. Shane,
Totoo ba na kapag madalas magkonsumo ng maalat na pagkain ang tao ay malaki ang chance na magkaroon ito ng problema sa bato? – Nina
Sagot
Kahit sino ay maaaring magkasakit sa bato, bata man o matanda kaya huwag ipagsawalang bahala ang mga nararamdaman.
Ano ang mga kondisyong nakapipinsala sa ating bato?
Diabetes
Hypertension
Sakit sa puso
Pag-inom ng mga non-steroidal anti-inflammatory drugs
Pag-inom ng ‘herbal medicine’
Paninigarilyo
Pagbigat ng timbang na higit pa sa naaayon na tangkad
Pagkakaroon ng kamag-anak na may sakit sa bato
Pagkakaroon ng mga bato na maaaring bumara sa daluyan ng ihi
Pamamaga ng ugat sa bato na maaaring nakuha sa impeksiyon sa lalamunan o balat
Pagkakaroon ng impeksiyon o pamamaga ng daluyan ng ihi at pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato at sa pantog
Ano ang mga sintomas ng sakit sa bato?
Pagmamanas ng mukha o buong katawan, at mga paa
Mabulang ihi na kulay tsaa
Pag-ihi ng madalas (3 beses) sa gabi
Ano ang mga sintomas kapag malala na ang sakit sa bato?
Pagkonti o pagkawala ng ihi
Hirap sa paghinga
Madalas na pagsakit ng tiyan
Kawalan ng ganang kumain
Pagkahilo at pagsusuka
Hirap sa pagtulog
Pangangati sa buong katawan
Paano ito maiiwasan?
Panatiliing normal ang asukal sa dugo (fasting blood sugar < 140 mg/dL)
Panatiliing mababa ang blood pressure (BP < 140/90 mmHg)
Uminom ng maraming tubig (dalawa hanggang tatlong litro kada araw)
Kumain ng tama
Umiwas sa maaalat na pagkain
Bawasan ang pagkonsumo ng alak
Tumigil sa paninigarilyo
Sikaping magkaroon ng regular na ehersisyo
Huwag iinom ng gamot/herbal nang walang payo ng doktor
Regular na mapagakonsulta sa doktor
Comments