ni Lolet Abania | July 12, 2020

Masuwerteng nakaligtas ang hepe ng Dumaran Police at kasama nito matapos ang nangyaring ambush sa San Vicente, Palawan.
Nakaligtas si P/Capt. Erwin Carandang kasama si P/Corporal Mark Russel Evangelista na nagmamaneho ng mobile PNP.
Ayon kay P/Lt. Federico Calingao, Deputy COP ng Dumaran, naganap ang pang-a-ambush sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-6 ng umaga kanina na sakop ng San Vicente, Palawan. Habang nagsasagawa ng monitoring ang kanilang hepe sa ilang wanted person sa lugar nang bigla pagbabarilin ang sinasakyan nilang mobile.
Tinatayang may sampung tama ng bala ang kanilang sinasakyang mobile. Masuwerteng nakaligtas at maayos ang kalagayan ng dalawang pulis sa insidente.
Comentarios