top of page
Search
BULGAR

Hepe ng NBI, natagpuang patay sa opisina

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 8, 2020




Natagpuang may tama ng bala ng baril ang Counter-Terrorism Division chief ng National Bureau of Investigation na si Raoul Manguerra sa loob ng kanyang opisina at idineklarang dead-on-arrival sa ospital noong Lunes nang gabi, ayon sa spokesperson ng naturang ahensiya.


Pahayag ni NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin, "The NBI is in a deep state of mourning. We condole with the family, relatives and friends of Chief Manguerra."


Ayon sa Manila Police District Homicide Department, nakatanggap umano ng phone call ang live-in partner ni Manguerra na si Maria Rosario Bernardo mula sa NBI's Counter-Terrorism Division at ipinaalam dito na isinugod sa ospital ang opisyal dahil sa gunshot wound ngunit idineklara ring dead-on-arrival.


Ang driver umano ng biktima at isang empleyado ng NBI ang nagsugod kay Manguerra sa ospital.


Pahayag ni MPD Homicide Chief Police Captain Henry Navarro, “Nu’ng nagpunta kami sa NBI, hindi kami pinapasok kasi they are doing their internal investigation. They are allowed naman. “Whatever reason, kung ano ang nangyari, kung suicide ba ‘yan, nag-accidental firing o binaril ba ‘yan, wala pa kaming alam.”


Samantala, ipinag-utos na rin umano ni NBI Director Eric Distor ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Manguerra at isinailalim sa lockdown ang buong lugar dahil sa insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page