top of page
Search
  • BULGAR

Henry, Semerad at Herndon ng NLEX, sinagasaan ang Fuels

ni Clyde Mariano @Sports | August 26, 2024


Sports News
Photo: PBA / FB

Iniligtas ni Robert Herndon ang NLEX Road Warriors sa bingit na pagkatalo nang umiskor ng game-winning three at kumalawit si import Myke Henry ng defensive rebound sa huling seven seconds upang dalhin ang Road Warriors sa 100-95 panalo kontra Phoenix Fuel Masters at sumosyo sa three-way sa Talk ‘N Text at Rain or Shine ng 2-0 card sa 49th PBA Season Governor’s Cup sa pagbabalik sa Smart Araneta Coliseum kagabi matapos ang unang provincial game sa pagitan ng ROS at Gin Kings.


Tumapos si Herndon ng tres sa left side sa pasa ni Myke Henry para sa 99-95 matapos umiskor si RR Garcia at kumalawit si Henry ng defensive rebound sa missed shot ni rookie Kai Balungay at naitakas ang panalo at panatilihin ang malinis na record. “I have no other choice shot the ball because time is running out and went inside the ring,” sabi ni Herndon.


Ang talo ay pangalawang sunod ng Phoenix na natalo sa San Miguel Beer, 107-111. Tumawag ng dalawang beses na timeout si coach Jamike Jarin subalit nabigong dalhin sa panalo ang Phoenix.


Umiskor si Henry ng 37 points at humakot ng nine rebounds at dalhin sa pangalawang sunod na panalo ang NLEX matapos talunin ang Blackwater sa una nilang laro, 104-87.


Tinalo ng 31years old na taga Chicago, Illinois ang kanyang counterpart na si Aga Jackson ng Mississippi sa una nilang pagharap sa PBA. Lumamang ang NLEX ng 25 points sa second period at napanatili ng Road Warriors ang 55-39 sa third period.


Subalit biglang nag-relax ang NLEX sa kanilang opensiba at niluwagan ang kanilang depensa at nakahabol ang Phoenix at naagaw ang lamang 93-92 sa tres ni dating TNT RR Garcia.


Hindi nasiraan nang loob ang Road Warriors at sumandal sa late heroics ni dating Magnolia player Robert Herndon at Henry para sa panalo.


0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page