top of page
Search

Heated tobacco, vape makapagliligtas sa milyun-milyong naninigarilyo, ayon sa eksperto

BULGAR

ni Chit Luna @News | Feb. 18, 2025




Ang mga produktong walang usok tulad ng heated tobacco at vape na naghahatid ng nikotina nang walang pagsunog sa tabako ay maaaring magligtas sa buhay ng milyun-milyong naninigarilyo na hindi makahinto, ayon sa isang kilalang Israeli cardiologist.


Ayon kay Prof. Reuven Zimlichman, direktor ng The Brunner Cardiovascular Research Institute sa Tel-Aviv University sa Israel, napakahirap huminto sa paninigarilyo dahil ang tabako ay naglalaman ng nikotina na lubhang nakakahumaling.


Aniya, hindi nikotina ang nagdudulot ng malubhang epekto sa kalusugan ng mga gumagamit ng tabako, kundi ang libu-libong kemikal na dulot ng pagsunog sa tabako.


Nasa Pilipinas si Zimlichman para magsilbi bilang resource speaker sa 46th Philippine Neurological Association (PNA) annual convention na ginanap noong Nobyembre 26 hanggang 29, 2024 sa Conrad Manila sa Pasay City.


Sinabi ni Zimlichman na halos kalahati or 49 porsiyento ng mga naninigarilyo na may coronary artery disease ay patuloy na naninigarilyo, samantalang 57 porsiyento ng mga na-stroke ay patuloy pa din naninigarilyo.


Halos 72 porsiyento ang patuloy na naninigarilyo matapos ma-diagnose na may peripheral artery disease or pagaliit ng daluyan ng dugo.


Aniya, habang nakakahumaling ang nikotina, hindi ito nakakasama sa katawan and hindi ito carcinogenic na nagdudulot ng sakit sa puso o sakit sa daluyan ng dugo.


Kung mayroong isang alternatibong paraan para matugunan ang pananabik ng mga naninigarilyo nang hindi nagsusunog ng tabako, ito ay malinaw na isang opsyon na dapat isaalang-alang, sabi ni Zimlichman.


Naniniwala si Zimlichman na ang heated tobacco at vape ay mga anyo ng tobacco harm reduction at inobasyon na may potensyal na magligtas ng milyun-milyong buhay.


Ang tobacco harm reduction ay isang diskarte sa pampublikong kalusugan na naglalayong magbigay ng hindi gaanong nakakapinsalang mga alternatibo sa mga taong ayaw huminto sa paninigarilyo nang mag-isa o sa kasalukuyang mga naaprubahang pamamaraan.


Ang heated tobacco ay binubuo ng baterya ng lithium na nagpapainit sa tabako nang sapat lamang para maglabas ng aerosol na naglalaman ng nikotina ngunit hindi nasusunog ang tabako.


Dahil ang tabako ay pinaiinit lamang at hindi sinusunog, ito ay walang usok. Ang antas ng mapaminsala at potensyal na nakakapinsalang kemikal ay luhang mas mababa kumpara sa usok ng sigarilyo.


Sinabi ni Zimlichman na ang heated tobacco ay nag-aalok ng pinakamahusay na pagkakataon para sa mga na naninigarilyo na huminto.


Samantala, ang vape o e-cigarette ay mayroon ding lithium battery na nagpapainit sa e-liquid na karaniwang naglalaman ng nicotine, propylene glycol, vegetable glycerin at mga pampalasa.


Kino-convert ng e-cigarette ang e-liquid sa isang vapor na nilalanghap ng gumagamit. Ito ang dahilan kung bakit ang paggamit ng e-cigarette ay kilala bilang vaping.


Ang e-cigarette ay hindi nagsusunog ng tabako at hindi gumagawa ng tar o carbon monoxide, dalawa sa mga pinakanakapipinsalang elemento sa usok ng tabako.


Binanggit din niya ang resulta ng isang pag-aaral sa South Korea noong 2021, na nagpakita na ang paglipat sa mga produktong walang usok ay nauugnay sa 23 porsiyento pagbaba sa panganib ng cardiovascular disease.


Ang pagbaba sa panganib ng cardiovascular disease sa mga switcher ay kadalasang naiugnay sa heated tobacco.


Dati ay hindi naniniwala sa tobacco harm reduction si Zimlichman, siubalit nagbago ang kaynyang posisyon pagkatapos suriin ang mga siyentipikong ebidensya.


Pagkatapos ng mahigit 50 taon ng pagpapatupad ng mga tradisyonal na estratehiya sa pagkontrol sa tabako, walang nagbago, sabi ni Zimlichman. Sa kasalukuyan ay may tinatayang isang bilyong naninigarilyo sa buong mundo, at 8 milyong tao ang namamatay sa mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo bawat taon.


Sinabi ni Zimlichman na ang mga pamahalaan, mga regulatory agencies at ang medikal na komunidad ay kailangang maging bukas sa mga bagong ideya tulad ng tobacco harm reduction.


Kinilala ni Zimlichman ang pagbabago sa Sweden, Japan, at UK na nagkaroon ng pagbabawas sa antas ng paninigarilyo, pagkakasakit at pagkamatay dahil sa smoke-free products.


Nakilala ang Sweden sa buong mundo dahil sa malawakang paggamit nito ng snus at nicotine pouches, kasabay ng mga programang pang-edukasyon sa publiko, na nagresulta sa malaking pagbawas ng bilang ng naninigarilyo sa bansa.


Ayon sa Smoke-Free Sweden, isang kampanyang humihimok sa ibang bansa na sundan ang modelo ng Sweden sa tobacco harm reduction, ang insidente ng kanser sa Sweden ay 41% na mas mababa kaysa sa karaniwang antas sa Europa, at ito rin ang may pinakamababang porsyento ng mga sakit na may kaugnayan sa tabako sa buong EU.


Nanawagan din si Zimlichman sa mga Pilipinong doktor na may mga pasyenteng may cardiovascular disease at naninigarilyo. Aniya, dapat bigyan ng mga doctor ang kanilang pasyente ng pagkakataon na lumipat sa heated tobacco o vape.


Kung mas malala ang sakit sa cardiovascular ng pasyente, mas maraming benepisyo ang maaari nilang makuha mula sa paglipat, dagdag ni Zimlichman.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page