top of page
Search
  • BULGAR

Heart, umamin kung paano nagsimula ang pagmamahal sa hayop

ni Angela Fernando @Lifestyle | August 28, 2024



Sports News
Photo: Heart Evangelista sa Global Youth Summit 2024 / SM Cares

Naging isa sa mga pangunahing opinion leaders ang aktres na si Heart Evangelista para sa ginanap na Global Youth Summit 2024 sa kanyang ibinahaging clips sa Instagram story.


Matapang na tinalakay ni Heart, kasama ang kanyang aspin na si Panda, sa pahayag ang animal welfare at ang kahalagahan ng mga ito. Ayon kay Heart, nagsimula ang kanyang adbokasiya dahil sa kanyang ama, na madalas na kumukupkop at nag-aalaga ng mga stray na aso at pusa.


“When we talk about animals or pets, a lot of people think that it’s very shallow, it’s not really a priority, and I understand that because there are other problems that the country is facing. So, slowly but surely, and I think people also started to understand that, it started to change," saad ng Global Fashion Icon.


Nag-post din si Heart ng isang video sa IG na mula sa Global Youth Summit. Sa clip, pinayuhan niya ang mga kabataan na 'wag matakot at idinagdag na hindi mahalaga kung sila ay binabatikos sa kanilang ginagawa basta't mayroon silang layunin na siyang sinang-ayunan ng mga tagasuporta ng aktres.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page