ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 17, 2024
Inamin ni Heart Evangelista na tinatamad na rin siyang dumalo sa mga fashion week sa ibang bansa. Marami kasi ang nagtatanong sa kanya kung bakit wala siya sa New York Fashion Week (NYFW) na ginanap kamakailan.
Sa latest Instagram (IG) Live ng aktres ay itinanong na naman ito sa kanya at sinagot naman niya ito. Aniya, dapat nga raw ay nandu’n siya pero hindi na raw siya nakapunta dahil birthday din ng kambal niyang stepchildren.
“Why wasn’t I in New York Fashion Week? Ah, I don’t know. I feel like I was supposed to be there for a cause and for a few brands, but I didn’t get to go because I have work here in the Philippines and sometimes, I have to balance that out. And also, because it was the birthday of the twins, so they were turning 17,” paliwanag ni Heart.
“So, 17 is not a joke. I have to be here,” dagdag pa niya.
Pero hirit niya, baka raw sign of aging na rin ito.
“Actually, before, I will go for like three days, I’ll do a few shows, then I'll come back. But I think it’s a sign of aging. Medyo minsan, nakakatamad na,” sey niya.
“I didn’t go because I’m also little tamad because I’m gonna do Paris, Milan, Paris and I’m gonna fly to Bangkok. So I’m gonna be gone for like almost a month. So I feel like I should choose my battles,” dagdag pang paliwanag ng fashion icon.
Sa mga nakaraan niyang IG Live ay nabanggit na ni Heart Evangelista na may gagawin siyang bagong proyekto sa GMA-7, kaya ito raw muna ang kanyang pagkakaabalahan.
All-out ang support ni Rhian Ramos sa kanyang boyfriend na si Tutok To Win Partylist Representative Sam Verzosa (SV) dahil present siya kahapon sa “Handog Pasasalamat” ni SV na ginanap sa MLQU Quarantine Facility sa Quiapo, Manila.
Ang nasabing event ay birthday gift-giving ni SV para sa mga tagasubaybay ng kanyang public service show na Dear SV na napapanood sa GMA-7.
Sinorpresa ni Rhian si SV nang bigla siyang sumulpot sa event para batiiin at suportahan ang boyfriend.
Sey ni Rhian, “Akala mo, palalagpasin ko ang araw na ‘to? Siyempre, hindi. Malakas ka sa ‘kin, eh. Nagulat ka ba?”
Sabi naman ni SV, “Na-surprise mo na naman ako, ah.”
Sagot ni Rhian, “Isinikreto talaga namin ng production team ‘to para naman ma-surprise ka today. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko talaga palalagpasin, I wouldn’t miss the chance na masaksihan ang araw na ‘to. Ang napakalaki mong regalo para sa kanilang lahat.”
Halata namang touched na touched si Sam at sinabing “Grabe ka, kaya pala hindi ka nagre-reply.”
Hirit pa ni Sam, “Sobrang saya ko naman, sobrang ganda mo naman.”
Kaya naman lalong ginanahan si SV sa pagbibigay ng kanyang regalo sa masusuwerteng mga viewers ng Dear SV.
Bilang birthday treat niya ay 100 food carts ang ipinamigay ni SV sa 100 na napili para mapaunlad ang kanilang buhay.
Well, puring-puri rin naman ni Rhian ang kabutihang-loob ni Sam na ito na nga raw ang may birthday ay ito pa ang namigay ng regalo.
“S’ya na po yata ang pinaka-generous na tao na nakilala ko. At dahil sa pagka-generous n’ya, ibinabalik talaga ng Diyos sa kanya times one hundred ang mga blessings na ibinabahagi niya sa ating lahat,” pagmamalaki ni Rhian sa nobyo.
Sey pa ng aktres kay SV, “I just want to say na sobrang proud 'ko sa ‘yo. Kaya maraming nagmamahal sa ‘yo, eh. Napakadali mo talagang mahalin.”
Kitang-kita naman ang kilig at happiness ni Sam Verzosa sa sinabi ng kanyang nobya na si Rhian Ramos.
Comments