Nasa Milan, Italy na rin si Pia Wurtzbach para sa Milan Fashion Week (MFW). Naunang dumating sa kanya sa Milan si Heart Evangelista at pareho silang dadalo sa MFW.
I-expect na ang bardagulan na naman ng kani-kanyang mga fans nila sa kung sino ang mas pinagkagulahan, ang mas maganda ang OOTD (outfit of the day) at kung sino ang mas magandang make-up at ayos ng buhok.
Ang mga fans din nina Heart at Pia ang nagbibilang kung ilang fashion show per day ang dinadaluhan nila. Si Heart ang winner dito dahil naka-tatlong shows daw in one day. Wala pang balita kung ilan ang pinakamaraming shows na nadaluhan ni Pia.
Sa mga photos at videos, very cool lang sina Heart at Pia, ang kanilang mga fans pa yata ang nai-stress sa pag-aabang sa mga ganap nila.
Nakakatuwa nga na pati reels, ipinagkukumpara at pinagtatalunan kung kanino ang mas maganda.
Damay sa bardagulan ang kani-kanyang team nila like ang glam team at pati ang in-charge sa kani-kanyang content.
In fairness, masaya at nakakaaliw basahin ang bardagulan ng mga fans, konting bagay pinag-aawayan at ang mga comments, kung nababasa lang ng dalawa, mapipikon din sila for sure.
Curious tuloy kaming malaman kung ini-stalk ba nina Heart at Pia ang kani-kanyang Instagram (IG) o ipinaparating na lang sa kanila kung ano ang post ng isa’t isa at kung may comment na dapat sagutin.
MARAMI pa rin talaga ang umaasang magkakabalikan pa sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil nang mag-post si Dom ng mga photos na may mga dalang luggage, inisip agad na magkikita sila ni Bea sa Morocco.
Hindi naman sinabi ni Dominic na sa Morocco ang punta niya, pero nasa airport siya ng Johannesburg.
Comment agad ng mga fans nina Bea at Dominic, sana ay magkita sila sa Morocco. Kaya lang, kung doon nga pumunta ang dating aktor, wala na roon si Bea at ang mga kasama nito. Sa update ni Bea, balik-Madrid, Spain na sila kaya malabong magkrus ang landas nila ni Dominic sa Morocco.
Naglaro pa sa isip ng BeaDom fans na kapag nagkita ang dalawa sa Morocco, makakapag-usap at baka maging maayos na ang lahat at matuloy ang kasal.
Wala pa ring nababanggit sa biglaang paglipad nina Bea at mga kasama pa-Madrid at side trip sa Morocco. Dahil kasama niya si Ben Chan, baka may kinalaman sa Bench ang kanilang lakad.
Anyway, umalis at babalik ng bansa si Bea na masaya dahil patuloy na sinusubaybayan ang Widows’ War (WW). Gusto ng mga viewers ang pagbabago ng karakter ni Sam (Bea) na naging cold-hearted b*tch na.
Inaabangan na ang eksena na makaka-face-to-face ni Sam ang asawang si Paco (Rafael Rosell) na inakala niyang patay na.
PARA pala sa MMFF entry na Green Bones (GB) ang short haircut ni Ruru Madrid at hindi pa para sa Book 2 ng Lolong. Kasama raw ang new haircut niya sa paghahanda sa gagampanang role.
Nag-workshop din si Ruru bago simulan ang shooting ng nasabing pelikula para mas maintindihan ang kanyang role.
“At the same time, almost everyday, nagpupunta ako sa lab or workshops. Siyempre, ang tagal ko po gumawa ng teleserye, ang tagal ko pong gumawa ng Black Rider (BR). Parang one year kaming nag-shoot so ibang medium na ang gagawin natin, it’s cinema. So ibang preparasyon, ibang framework ng paggamit ng pag-arte, ibang style because it’s cinema, so ang daming pagbabago.
“But you know, I always love the challenge and sobrang gusto ko rin na matuto ako rito sa proseso na ito,” ayon kay Ruru.
Isa rin siguro sa pinaghahandaan ni Ruru ay sina Iza Calzado at Dennis Trillo na mga bida rin sa GB. Nakasama na niya si Dennis sa isang project, pero bata pa raw siya noon. First time naman niyang makakatrabaho si Iza na kumpirmado nang kasama sa cast. Nauna nang ini-announce na kasama rin sa cast sina Sofia Pablo at Kylie Padilla.
Of course, pressured din si Ruru na maidirehe ni Zig Dulay na director ng nasabing MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Dagdag na pressure sa kanya na first MMFF film niya ito. Pinangarap lang niya dati, ngayon, nagkatotoo na.
Comentarios