ni Nitz Miralles @Bida | October 06, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_691315355805425ab8d27bf0ba3755aa~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_691315355805425ab8d27bf0ba3755aa~mv2.jpg)
Inulit ni Heart Evangelista ang ginawa sa Paris Fashion Week din yata last year na sa last day ng PFW, nag-treat siya sa mga street photographers na nag-cover ng fashion week.
Namigay siya ng coffee at donuts na ikinatuwa ng mga fotogs at si Heart lang yata ang gumagawa noon.
Kung tama ang nakita namin, Starbucks coffee ang ipinamigay ni Heart at kani-kanya na lang ng kuha ang mga fotogs. Sa iba’t ibang lengguwahe ang mga nagpasalamat kay Heart sa kind gesture nito.
May nagpa-thank you sa kanya na ang sabi, “Thank you @iamhearte for looking out for us photographers on the street. We’ve been working 15-20 hour days for the past month and we’re tired! Thank you for the doughnuts and coffee.”
Sagot ni Heart, “New traditions. You guys are the real rockstars.”
Samantala, marunong na talagang magsalita ng French si Heart dahil sa isang video na kanyang ipinost, French woman ang kanyang kausap at sa French niya ito sinasagot. Ang ganda niyang pakinggan speaking in French.
Comments