HEART, BUMILI LANG NG TINAPAY, CHANEL PA ANG BAYONG
- BULGAR
- Dec 27, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 27, 2022

Kinagiliwan na naman ng mga netizens at ng kanyang mga Instagram followers ang recent post ni Heart Evangelista.
Kasalukuyang nasa Paris si Heart base na rin sa kanyang mga posts. Sa isang larawan na in-upload niya ay makikitang nasa street siya at may dalang mga sosyal na tinapay na nakalagay sa eco bag.
But take note, Chanel lang naman ang naturang tote bag.
Caption ni Heart, “'Yung inutusan kang bumili ng tinapay ng kapatid mo.”
As always, in awe ang mga netizens sa kasosyalan ng outfit ni Heart with matching Hermes Birkin bag pa.
“That bag and those bread are a true fashion statement. Cool,” komento ng isang netizen.
“Bili ng tinapay in style…yes? Pak!!!!” reaksiyon naman ng isang IG user.
“Grabeee naman 'yung bibili ng tinapay, amoy-expensive,” comment ng isa pang netizen.
“No doubt, kahit anong bitbitin mo, diyosa pa rin,” sey naman ng isa niyang follower.
“Sesyel! Hermes Shadow,” puna naman ng isa pang netizen.
“Sana all Chanel ang bayong,” sabi naman ng isa pa.
Obviously ay sa Paris nag-celebrate ng Christmas si Heart base sa kanyang mga posts.
We just don’t know kung sino ang kasama niya, but definitely ay hindi ang asawang si Chiz Escudero since almost confirmed na nga na hiwalay na sila.
Comments