top of page
Search
BULGAR

Hearing ng Kongreso sa barilan ng PNP at PDEA, suspendido

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 27, 2021





Suspendido ang nakatakdang imbestigasyon sa Lunes (Marso 1) sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng PDEA at PNP, ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, alinsunod na rin sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Aniya, "Please be advised that in light of Pres. DU30's instruction to the NBI to conduct an impartial investigation on the PNP and PDEA incident, our scheduled Committee hearing/investigation in aid of legislation on Monday, March 1, 2021, is temporarily suspended as a courtesy to and in order not to hinder the ongoing investigation. We'll keep you all posted on the developments."


Sa unang pahayag ng Presidente kahapon, iginiit niyang tanging NBI lamang ang inatasan niyang magsagawa ng imbestigasyon sa barilan ng PNP at PDEA sa naganap na buy-bust operation noong Miyerkules nang gabi sa parking lot ng isang fast food establishment sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan apat ang naitalang namatay.


"Gusto ng Presidente na magkaroon ng impartial investigation para maiwasan ang mga malilikot na pag-iisip at para rin sa peace of mind ng mga biktima na patas ang imbestigasyon," paliwanag ni Spokesperson Harry Roque sa Palace briefing kanina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page