top of page
Search
BULGAR

Healthy lifestyle, paano mapananatili?

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 28, 2021




Ang magkaroon ng pagbabago sa positibong lifestyle ang magpapaibayo ng hitsura at nadarama sa araw-araw, dagdag pa na mas gaganda ang kalusugan at maiiwasan na maging sakitin. Ang mamantina ang malusog na timbang ng katawan, pagpili ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng tamang pahinga ay may malaking kontribusyon sa mas may kalidad na buhay, hahaba pa ang buhay at higit sa lahat maiiwasan na makapitan ng COVID-19.


1.UMINOM NG MULTIVITAMIN SUPPLEMENT. Kung nahihirapang ma-adjust para sa sapat na masustansiyang pagkain, tiyak na makatutulong ang dietary supplement. Ang mga dietary supplements ay tulad ng multivitamins lalo na kung ang kinakain ay wala pang 1,600 na kalorya sa isang araw. Kung ikaw ay vegan pero hirap sa anumang medical na kondisyon ay hirap ding sumagap ng tamang nutrisyon. Basahin munang mabuti ang label at pumili ng multivitamin na maraming nutrients at 100% na magdudulot ng araw-araw na pangangailangan. Iwasan ang supplements na may megadoses ng anumang nutrient. Ipasuri rin sa doktor kung anong multivitamin ang nararapat. Pero sa panahon ng pandemya, pinakamainam ang vit. C with zinc at vitamin D kung kulang sa pagpapaaraw at pagpapapawis.


2. Dagdagan ang araw-araw na pagkilos ng katawan. Ang sakit sa puso ay isa sa numero unong killer ng mga babae at lalaki, ayon iyan sa Physical Fitness and Health ng U.S. Ang mga taong hindi kumikilos, tatamad-tamad at walang pisikal na aktibidad araw-araw ay dobleng nagkakaroon ng pagbabara sa mga ugat kumpara sa mga aktibong tao. Kapag madalas pagpawisan at ma-burn ang mga taba sa katawan ay nadaragdagan ang calories ay nakokontrol nito ang pagbigat ng timbang at naiiwasan din ang pagtaas ng asukal sa katawan. Unti-unting nang dagdagan ang pisikal na aktibidad sa araw-araw na iskedyul. Halimbawa, imbes na sumakay sa elevator o escalator ay umakyat na lang ng hagdanan o kaya ay medyo sa malayong lugar igarahe ang sasakyan para makapaglakad nang mabilis araw-araw. Kapag maghapong nasa harap ng computer ay tumayo at maglakad-lakad nang mabilis sa gusali, paakyat-pababa nang mabilis at paglakad din ng napakabilis tuwing 10 minuto ng bawat oras sa opisina o nasa condo ka man. Sa bahay, maglinis ng mga kalat at magwalis sa bakuran at gumawa ng mga aktibidad na ikaw ay pagpapawisan.


3. Dagdagan ang pagkain ng mga sariwang prutas, gulay at cereals. Ang tipo na ito ng pagkain ay may hatid na bitamina at mineral. Ang ilang sariwang prutas at gulay, tulad ng mansanas o kahel ay mayaman sa fiber. Ang tamang dietary fiber ay mahalaga para mabawasan ang kolesterol sa katawan. Ang mga prutas, gulay, bungang kamote etc. ay mainam na carbohydrates na pinagkukunan ng lakas. Tandaan na kapag ganito kainit ang panahon dapat sapat ang potassium natin sa katawan dahil sa nakapanghihina rin ang dulot ng init kung tayo ay kumikilos.


4. Magsagawa ng katamtamang aerobic exercise ng madalas sa isang linggo. Kailangan natin ng 30 minuto ng cardio exercise. Ang halimbawa ng mabagal hanggang sa bahagyang aerobic exercise ay ang brisk walking, stationary cycling, water aerobics at low-impact aerobic classes. Ito ang nagpapatibay sa puso, nagbe-burn ng calories, gumaganda ang mood at maganda ang presyon ng dugo at blood sugar levels.


5. Bawasan ang pagkain ng matatabang karne. Ang mga saturated fats ay buhat sa baboy at iba pang kauring hayop at hindi ito makabubuti sa puso. Ang pagbabawas sa pagkain ng karne ay tulad ng hindi pagkain ng tabang bahagi at pagtanggal sa balat ng manok.

6. Uminom ng tamang tubig araw-araw. Ang tubig ay nakatutulong para malinis ang urinary tract at naalis ang toxins sa katawan.


7. Magtanong sa doctor tungkol sa cardiovascular stress test. Ang stress test ay para maiwasan ang anumang atake sa puso.


8. Kung may alinlangan ka kung paano magbago ng lifestyle ay magtanong sa health care experts kahit sa online lamang.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page