ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 10, 2021
Nire-recognize ni Angel Locsin ang kahalagahan ng mga Pinoy health workers.
Ani Angel sa kanyang IG post, “To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone, I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through. This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police and even without actors like me. But the world can never work without health workers. Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope and love.”
Heto naman ang sinabi ni Spokesperson Harry Roque na hindi ikinatuwa ni Angel nang marinig.
“Hindi ko alam kung saang planeta nakatira ‘yang mga health workers na ayaw kay Presidente kasi buong daigdig po ang sinasalanta ng ganitong problema.”
Maging ang mga netizens ay umalma sa tinuran ni Spox Roque.
“Nakaka-discouraged. Kung ganu’n lang sana kadaling lumayas sa bansang ‘to.”
“Parang si Paolo Contis din ‘tong si Harry Roque, kung anu-ano pinagsasasabi.”
Sinabihan naman ng isang netizen ang aktres na sawsawera.
“Eto na naman si Sawsaw Queen. Wala nang career kaya focused na lang sa pagsawsaw sa pulitika.”
Ipinagtanggol naman si Angel ng ibang netizens, “Paki mo ba? She has every right to make sawsaw, she's a citizen first before being an actor. A citizen that pays higher tax than you.”
“Walang masamang sumawsaw dahil karapatan nating magsalita. Mas masama kung wala kang imik kahit harap-harapan na tayong niloloko ng gobyerno.”
“She pays her taxes, that gives her the right na "makisawsaw" (as you call it) into politics and the Philippines (very bad) governance.”
“Bakit bawal ba? For as long as taxpayer ka, may karapatan kang magreklamo. Sino ka naman para pagbawalan si Angel?”
“She has every right to do so. She pays her taxes and a dutiful citizen. Ikaw nga, panay ang kuda mo, mukhang ‘di ka naman nagbabayad ng tax. Hanggang keyboard ka lang.”
“Bakit ‘di siya mangingialam, eh, BOTANTE S’YA! TAX PAYER S’YA! MAMAMAYAN S’YA DITO! Isip nga paganahin mo!”
“May point si Angel. May right s’ya to speak up.”
Comments