ni Lolet Abania | March 17, 2021
Isang health worker na naturukan na ng COVID-19 vaccine ang nasawi noong March 15, subalit hindi ang bakuna ang dahilan ng pagkamatay nito, ayon sa mga opisyal ng Department of Health at ng Food and Drug Administration ngayong Miyerkules.
“On March 15, a death was reported in an individual who had received the COVID-19 vaccine and subsequently tested positive for COVID-19,” batay sa inilabas na statement ng DOH at FDA. Ayon sa DOH at FDA, ang national at regional committees, na siyang naatasang mag-monitor ng mga adverse effects following immunization ay nagsabing “concluded that the cause of the death was COVID-19 itself, not by the COVID-19 vaccine.”
“COVID-19 vaccines cannot cause COVID-19,” dagdag pa ng mga nasabing ahensiya. Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang DOH tungkol sa namatay na health worker.
Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shield at pagkakaroon ng social distancing kasabay ng isinasagawang pagbabakuna.
Hinihimok din ang mga health workers na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo.
“Millions of people around the world have received this vaccine, and evidence continues to show that the benefit of vaccination outweighs the risk of severe disease and death caused by COVID-19,” sabi pa ng dalawang ahensiya, kung saan may kabuuang 240,297 indibidwal na ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Comments