ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 13, 2023
Dear Chief Acosta,
Aminado ako na mahilig akong manigarilyo kahit na alam kong hindi ito maganda sa kalusugan. Napapansin ko rin ang mga health warnings sa pakete ng sigarilyo na aking binibili. Ngunit kahapon, sa aking pagbili muli ng pakete ng sigarilyo, nakatakip ang mga posters na may babala sa paggamit ng sigarilyo sa nasabing tindahan. Hindi ba ito isang paglabag sa batas? Salamat sa inyo. - Dony
Dear Dony,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 11 ng Republic Act (R.A.) No. 10643 o “The Graphic Health Warnings Law”, na nagsasaad na:
“SEC. 11. Prohibition on Obstruction of Display. – No person or legal entity shall obscure or cover in part or in whole the Graphic Health Warnings in the selling areas. The Graphic Health Warnings shall be prominently displayed whenever the said packages are commercially displayed.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang pagtanggal o pagtakip sa mga babala na patungkol sa paggamit ng mga tobacco products sa mga lugar kung saan tinitinda ang nasabing produkto ay ipinagbabawal. Sa nabanggit mo na sitwasyon, isang paglabag sa Seksyon 11 ng R.A. No. 10643 ang ginawang pagtatakip ng posters na may babala sa paggamit ng sigarilyo sa nasabing tindahan. Nais namin ipaalam sa iyo na kung ang isang tao ay mapatunayan na lumabag at nagkasala sa nasabing batas, siya ay maaaring maparusahan nang naaayon sa Seksyon 14 nito. Ayon dito:
“Section 14. Penalties for Noncompliance. – xxx
(b) The following penalties shall individually apply to retailers/sellers of tobacco products as well as their agents/ representatives for any violation of Sections 6 and 7 of this Act, insofar as they are involved in the display, offering for sale and selling of the covered products, as well as Section 11 of this Act:
(1) On the first offense, a fine of not more than Ten thousand pesos (P10,000.00);
(2) On the second offense, a fine of not more than Fifty thousand pesos (P50,000.00);
(3) On the third offense, a fine of not more than One hundred thousand pesos (P100,000.00) or imprisonment of not more than one (1) year, or both, at the discretion of the court. The business permits and licenses, in the case of a business entity or establishment shall be revoked or cancelled.
Each day that noncompliant tobacco packages are found in the retail establishments of the retailers after the compliance date shall constitute one (1) offense. An additional penalty of Five thousand pesos (P5,000.00), per day shall be imposed for each day the violation continues after having received the order from the DTI notifying the retailers of the infraction.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
arnings o babala sa paggamit ng sigarilyo
Commentaires