top of page
Search
BULGAR

Health tips ngayong Kapaskuhan

by Info @Buti na lang may SSS | Dec. 15, 2024

Buti na lang may SSS

Mabuting araw sa inyo! 

Ang Christmas season ay kilalang panahon ng pagsasaya kung saan kabilaan ang party. Dahil dito, sa special na edition ng ating column ay magbabahagi ang SSS ng ilang health tips para sa ating mga miyembro:

  1. Pagbabawas ng carb intake sa ating pagkain. Ang mataas na pagkonsumo ng carbs ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng diabetes. Hinihikayat namin kayo na kontrolin ang pagkain nito. Halimbawa ng mga pagkain at inumin na mataas sa carbs ay ang soda, candy, white bread, pasta, at sweetened breakfast cereal.

Ang whole fruit, whole grain bread, broccoli at mushrooms ay ilang sa healthier options na maaaring ipalit sa mga pagkain na mataas sa carbs.

  1. Pag-inom ng tubig. Mahalaga ang pag-inom ng tubig sa ating kalusugan dahil ito ay nakakatulong sa ating digestion at absorption ng nutrients. Ugaliing uminom ng at least walong baso ng tubig kada araw. 

Mahalaga ang pag-iingat sa ating kalusugan upang maging produktibo tayo sa ating hanapbuhay. Subalit, kung nagkasakit ang ating mga miyembro na naging dahilan upang hindi sila makapagtrabaho, nakahanda ang SSS upang tulungan sila sa pamamagitan ng sickness benefit.

Ang SSS sickness benefit ay cash allowance na ibinabayad sa miyembro para sa bawat araw na hindi siya makapagtrabaho dahil sa sakit o pagkapinsala ng katawan. Ibinibigay ito sa mga kuwalipikadong miyembro na hindi makapagtrabaho ng hindi kukulangin sa apat na araw. Dapat nakapaghulog din siya ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12 buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pagkapinsala ng katawan.

Para naman sa mga empleyado, dapat ay nagamit na niya ang lahat ng kanyang kasalukuyang sick leaves sa kumpanya. Mahalaga rin na naabisuhan o nabigyan niya ng notipikasyon ang kanyang employer.

Kung ang miyembro ay isang self-employed o voluntary member, siya naman ay direktang magpa-file ng kanyang sickness benefit application sa SSS dahil wala siyang employer.

Samantala, parehong ang pagsusumite ng SSS sickness notification at Sickness Benefit Application ay online filing na gamit ang My.SSS account ng miyembro. Kaya mahalaga na ang isang miyembro ay nakarehistro sa My.SSS Portal na matatagpuan sa SSS website, www.sss.gov.ph, at nakapag-enroll ng kanyang bank/savings account sa ilalim ng Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na matatagpuan din sa My.SSS Portal.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.

Maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.

Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page