ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | July 7, 2024
Sa tuwing nakakausap ng inyong Senator Kuya Bong Go ang ating healthcare workers na nagsakripisyo at buong giting na nagserbisyo lalo na noong panahon ng pandemya, nakakarinig tayo ng sigaw na, “HEA! HEA!” Halos magmakaawa sa gobyerno ang ilang mga healthcare worker para makuha na ang kanilang Health Emergency Allowance.
Kaya sa mga hearing natin sa Senate Committee on Health na ako ang chair, binibigyan natin sila ng pagkakataon na mapakinggan. Tulad ng sabi ko sa kanila: “ang Komite na ito ay inyo. Gamitin ninyo ito bilang avenue para mapakinggan kayo ng gobyerno at ng taumbayan”.
Kaya masaya ako sa balita ng pag-release ng pondo para sa HEA nitong July 5 upang mabayaran na raw ang natitirang HEA ngayong taon. Sa wakas ay napakinggan na ang ating hinaing. Pero tuluy-tuloy pa rin ang ating pagtutok para siguraduhin na ang bawat isa sa ating HCWs ay mabibigyan ng nararapat na suporta at karampatang pagkilala.
Wala ni isang healthcare worker na kuwalipikado sa HEA ang dapat mapag-iwanan!
Lagi nating sinasabi na services rendered na ito, pinaghirapan at pinagpawisan ito ng healthcare workers natin. Kaya tiyakin dapat na ang pondong inilaan ay mapunta sa dapat makatanggap. Nananawagan muli tayo sa DBM at DOH na i-reconcile ang kanilang records para matiyak na lahat ng kuwalipikado ay mababayaran at ang lahat ng obligasyon sa kanila ng gobyerno ay matutupad.
Makakaasa ang ating healthcare workers na hindi tayo titigil sa pagsuporta sa kanilang kapakanan at paglaban sa kanilang karapatan. Katulad na lamang noong nakaraang 18th Congress na co-author at co-sponsor tayo ng Republic Act No. 11712 na nagkakaloob sa kanila ng mga benepisyo at allowances sa panahon ng public health emergencies gaya ng COVID-19 pandemic. Ito ang basehan ng HEA na ating isinusulong.
Samantala, tuluy-tuloy tayo sa paghahatid ng serbisyo sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Nasa Davao City tayo noong July 3 at naging panauhin sa ginanap na Liga ng mga Barangay - Aklan Chapter Provincial Congress 2024 sa paanyaya ni LNB Aklan President Ralf Tolosa.
Personal nating nakaharap noong July 4 ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas Women’s Under-18 basketball team sa kanilang pagbisita sa Senado. Bilang chair ng Senate Committee on Sports, inihayag natin ang paghanga sa kanilang husay at sa karangalang iniuwi nila sa ating bansa matapos makapasok sa FIBA U18 Women’s Asia Cup Division A nang talunin nila ang Lebanon sa kanilang laban sa Division B Finals noong June 30 sa Futian Sports Park sa China. Inihayag ko rin ang aking hangarin kasama ang Philippine Sports Commission na mabigyan ng karampatang suporta ang bawat manlalaro at coaching staff.
Nakasama rin natin sa isang get-together ang ilang local officials ng Palompon, Leyte sa pangunguna ni Mayor Ramon Oñate na bumisita sa Maynila. Bilang adopted son ng Leyte, sisikapin kong suportahan sila sa pagseserbisyo sa kanilang bayan.
Binisita naman natin noong July 5, ang ating mga kababayan sa Zambales at personal na pinangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 2,000 mahihirap na residente ng bayan ng Iba katuwang ang lokal na pamahalaan. Bilang adopted son ng bayan ng Iba at maging ng probinsya ng Zambales, patuloy ako sa aking pagsisikap na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga nangangailangan.
Binisita rin natin ang Malasakit Center na nasa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital, at namahagi ng pagkain para sa mga pasyente at staff ng ospital. Sinaksihan natin ang pagbabasbas sa itinayong Super Health Center sa Iba. Dumalo tayo sa inagurasyon ng bagong Iba Municipal Hall na napondohan dahil sa ating inisyatiba bilang vice chair ng Senate Finance Committee.
Matapos nito, sinaksihan natin ang pagbubukas ng Mayors Cup sa Zambales Sports Gymnasium na lalahukan ng mga manlalaro ng basketball at volleyball. Isinulong natin bilang Senate Sports Committee chair na mapagkalooban ng PSC ng pondo ang pagdaraos ng palarong ito upang i-promote ang sports sa komunidad at mailayo ang kabataan sa ilegal na droga.
Hindi rin tumitigil ang aking Malasakit Team sa pag-alalay sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang pagsubok, na ating tinulungan tulad ng 22 residente ng Gingoog City, Misamis Oriental na nasunugan; at ang 400 mahihirap sa Laua-an, Antique katuwang si Vice Governor Ed Denosta kasabay ng isinagawa niyang medical and dental mission sa lugar.
Nagbigay tayo ng tulong sa mga nawalan ng hanapbuhay tulad ng 65 sa Bulan, Sorsogon katuwang sina Board Member Ramie Robles at Vice Mayor Chezka Robles; 17 sa Brgy. Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija katuwang si Brgy. Captain Kit Cerezo; 203 sa Hindang, Leyte kaagapay si Mayor Betty Cabal; 500 sa Marikina City kasama si Congw.
Stella Quimbo; 145 sa Nueva Vizcaya sa pakikipagtulungan ni Vice Governor Eufemia Dacayo; at 90 sa San Jose de Buenavista, Antique na ineendorso noon sa atin ng pumanaw na si Mayor Elmer Untaran. Ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay mabibigyan din ng pansamantalang trabaho sa ating pakikipag-ugnayan sa DOLE.
Katuwang si Mayor Myca Vergara ay napagkalooban natin ng dagdag na tulong tulad ng shirts, bola, pagkain at iba pang uri ng suporta ang 1,500 na mahihirap sa Cabanatuan City, Nueva Ecija bukod sa pinansyal na ayuda mula sa local government na ating isinulong para sa kanila. Sa Palawan ay 1,700 mahihirap na residente naman ang ating natulungan kasama si Councilor Elgin Damasco.
Binalikan din natin ang mga nawalan ng tirahan na ating natulungan noon upang muling bigyan ng suporta at makabangon gaya ng 13 sa Malabon City; at 25 sa San Juan City. Nakatanggap din ang mga ito ng tulong pinansyal sa NHA sa ilalim ng ating isinulong na programa noon at patuloy na sinusuportahan ngayon para may pambili ang mga benepisyaryo ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pag-aayos na muli ng kanilang tirahan.
Ang bawat Pilipino na hangad ay makapagserbisyo sa kanyang kapwa, para sa akin, ay isang bayani. Tulad ng ating healthcare workers, dapat lamang silang kilalanin, bigyang pugay, at ibuhos ang suporta. Isa sila sa aking inspirasyon sa patuloy kong pagseserbisyo sa abot ng aking makakaya dahil ang bisyo ko ay magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comentários