ni Gerard Peter - @Sports | January 20, 2021
Sinisiguro ng bawat namamahala sa Bubble training camp sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na sumusunod at napapanatili ang health at safety protocols sa lahat ng mga atleta, coaches, staff mula Gilas basketball, boxing, karate at taekwondo upang makaiwas na makapasok ang mapaminsalang novel coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng training facility.
Inihayag ni National Training Director Marc Velasco na masinsinang dumaraan sa matinding proseso ang mga kalahok sa ‘Calambubble’ tulad ng RT-PCR testing at isolations na nilaanan ng kani-kanyang kuwarto para sa apat na magkaka-grupo.
Nakahanda umano ang Philippine Sports Commission (PSC), katulong ang Local Government Unit (LGU) sa pamumuno ng alkalde ng Calamba, Inspire Sports Academy, at mga medical staff na binubuo ng 2 secretariat, tig-2 nurses at physical therapists at 4 masseurs, habang on-call ang lahat ng Physicians at ang Calamba Hospital sakaling may emergency response para sa 60 kapasidad sa loob ng bubble.
“Nakapasok na yung 99% sa athletes. They are still in isolation, meaning they are still confined in their rooms, while waiting for the final results. This is the process of the protocol, we don’t want to risk on having an untoward incident sa lahat ng nasa loob,” pahayag ni Velasco, kahapon sa lingguhang PSA Forum webcast. “We have coordinated well with the LGUs for any assistance they may provide for hosting us and to Inspire Academy working with us every day. So far, our protocols are in place since the beginning. Waiting for the period of isolation ng mga athletes,” dagdag nito.
Ipinaliwanag ni Velasco na pinaghiwalay-hiwalay sa bawat kategorya ang lahat ng pagsasanay ng tatlong contact sports at ang Gilas basketball team na naghahanda para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifying window laban sa mahigpit na karibal na South Korea sa Pebrero 18 at 22 at pakikipagtuos sa Southeast Asian Games counterpart na Indonesia sa Pebrero 20.
Hindi umano magkakaroon ng pagsasama satraining venues ang bawat sports, ngunit tanging ang Strength and conditioning area lang ang paghahatian ng oras ng bawat sports na daraan sa sanitation at scheduling para maiwasan ang pagdidikitan. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pakikihalubilo sa ibang sports sa loob ng Calambubble at kailangang manatili lang sa mga ibinigay na lugar, na kung sakaling lumabag ay makokonsiderang lalabag ito sa ‘bubble breach’ kahit pa nag-negatibo sa testing at may karampatang parusa.
Comments