top of page
Search
BULGAR

Health and safety protocols sa community pantry, laging sundin

@Editorial | April 24, 2021



Patuloy na lumalaganap ang bayanihan sa pamamagitan ng community pantry.


Gayunman, hindi maiwasang may mga health and safety protocols na nalalabag na dahil sa kagustuhang makakuha ng tulong.


Una nang nahuli at pinagmulta ang ilang residente na pumila nang maaga, sila’y lumabag sa ipinatutupad na curfew. May mga sumusuway din sa social distancing, tila dedma na sa banta ng COVID-19.


Samantala, sa kabila ng inspirasyon na ibinibigay ng mga community pantries sa iba’t ibang panig ng bansa, nabahiran naman ito ng lungkot.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa dapat sana’y masayang birthday treat ni Angel Locsin kahapon, isang senior citizen na pumila sa itinayong sariling community pantry ng aktres ang nasawi. Ayon sa opisyal ng barangay, unang nahimatay ang 67-anyos na lalaki at naisugod pa sa ospital, subalit idineklara nang dead-on-arrival.


Aminado rin si Locsin na kahit may tulong na mula sa barangay at kapulisan, hindi na talaga nakontrol ang mga tao, wala nang social distancing at lalo pang gumulo nang may mga sumingit na sa pila.


Nawa’y magsilbi itong paalala sa lahat, mula sa mga pumipila hanggang sa mga organizers na palaging panatilihin ang kaayusan at kaligtasan. Isa sa mga layunin ng community pantry ay maitawid ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan, ‘yan ay ang pagkain. Pero, kung hindi ito magagawa sa maayos na paraan, baka sa halip na makatulong ay makadagdag pa sa problema.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page