top of page
Search
BULGAR

Headwriter na si Nones, kasama nila ni Sen. Bong sa show… NIÑO, NA-HIGH BLOOD MATAPOS IBULGAR SA SENADO ANG PANGRE-RAPE RAW KAY SANDRO

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 8, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Pati kami ay napaiyak nang mapanood namin si Niño Muhlach na umiiyak habang ikinukuwento sa Senate hearing kahapon ang sinapit ng anak niyang si Sandro Muhlach.


Bilang magulang din, ramdam na ramdam namin ang sakit ng loob na nararamdaman ng aktor.


Dumalo si Niño sa first Senate hearing on policies of television networks, artist management agencies kahapon ng umaga, Wednesday, Aug. 7. 


Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng diumano’y pang-aabuso kay Sandro ng dalawang GMA ‘independent contractors’ na sina Jojo Nones and Richard Cruz.


Sa video na ipinost ng ABS-CBN, makikita ang pagbe-breakdown ng dating Child Wonder sa hearing habang inilalahad niya ang nangyari sa anak.


Ayon kay Niño ay labis siyang nasaktan nang ikuwento sa kanya ng anak ang nangyari.

“Para makita mo ‘yung anak mo na nanginginig at hindi n’ya halos mahawakan ‘yung telepono n’ya,” umiiyak na sabi ng dating Child Wonder.


Aniya, ang isang akusado na si Jojo ay katrabaho pa nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.


“S’ya po ‘yung headwriter namin at sobrang galang ko sa kanya, sobra ang respeto ko sa kanya. ‘Pag may mga events kami, ako pa ‘yung unang lumalapit sa kanya at Sir Jojo pa nga ang tawag ko sa kanya,” emosyonal na wika ni Niño.


“Kaya hindi ko talaga matanggap na nagawa n’ya sa anak ko,” dagdag niya. 


“Sobrang sama ng loob ko talaga kay Jojo Nones. Kung makita n’yo lang po ‘yung anak ko talaga, kung paano niya ikinuwento sa ‘kin,” sey ni Niño habang umiiyak.


Hindi raw sa kanya unang ikinuwento ni Sandro ang nangyari kundi sa kapatid nitong si Alonzo Muhlach na dating child actor din.


“Sinabi sa ‘kin ni Alonzo na sinabihan daw s’ya ng kuya n’ya na ‘Bro, sana, ‘wag mangyari sa ‘yo ‘yung nangyari sa ‘kin,’” ani Niño.


“Nakakasama lang talaga ng loob dahil kung kaya nilang gawin sa… hindi ko naman po binubuhat ‘yung aking bangko pero sa isang pamilya na talagang malaki na ang kontribusyon sa industriyang ito, what more sa iba? What more sa mga baguhan?” aniya pa.


Ngayon ay binabaligtad pa raw ng mga akusado ang mga nangyari. 


“Nakakasama lang ng loob na kung sino pa ‘yung may sala, ‘yun pa ‘yung nagagawang magbaligtad ng istorya,” esplika niya.


Matapos magbigay ng statement si Niño ay tumaas daw ang blood pressure nito.

Ipinost ni Nelson Canlas ng GMA-7 sa kanyang Instagram (IG) account ang larawan ni Niño habang tsine-check-up ng medics.


“Niño Muhlach’s blood pressure shoots up after his tearful opening statement at the Senate Hearing on Harassment and Abuse policies,” caption ni Nelson.


 

After 40 years of being married, nakakatuwa na ang sweet pa rin at nananatiling matatag ang samahan nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.


Sa kanyang Instagram (IG) ay binati ni Mr. Pure Energy ang misis sa pagdiriwang ng kanilang ika-40 anibersaryo. 


“Hon, it’s been quite a trip, quite a journey, quite a ride, quite a union, quite a partnership, quite a relationship, quite a marriage,” ang simula ng mensahe ni Gary V.


“We’re now 40 years, Hon (white heart emoji). Only by God’s grace have we lasted this long and only by His grace will we have many more years together. ‘Til death do us part,” patuloy niya.


Bagama’t hindi raw sila masyadong nakapaghanda para sa kanilang anniversary this year, sapat na ang magkasama silang dalawa.


“I know we didn’t prepare much for each other for this year but just being together, being with you, like being by the ocean this way, is what really, really matters. I love you, Hon. Happy, happy 40th anniversary to us,” sey ni Gary V. sa misis.


‘Apaka-sweet naman!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page