ni GA @Sports | December 12, 2023
Photo : PVL
Mga laro ngayong Martes
(Philsports)
Game 3: Do-or-Die semis
6 n.g. - Cignal vs Choco Mucho
Mag-uunahan patungong Finals ang No.2 seed na Choco Mucho Flying Titans at No.3 ranked Cignal HD Spikers na tatapusin ang matinding hatawan ngayong gabi sa do-or-die Game Three ng best-of-three semifinal series ng 6t Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Patuloy na dadalhin at pananatilihin ni spiker Kat Tolentino ang kasidhiang manalo para sa Flying Titans upang magamit muling sandata kontra sa mga beteranong manlalaro ng Cignal.
Naging malaking tulong ang 6-foot-2 opposite spiker upang makatabla ang Choco Mucho sa Cignal sa bisa ng straight set na panalo sa 25-23, 25-22, 25-22 nitong Sabado. Ang sino mang magwawagi sa dalawang koponan ay haharapin ang defending champion na Creamline Cool Smashers sa best-of-three finals sa Huwebes sa MOA Arena sa Pasay City.
*For me, we have to humble ourselves again. We have to start from the beginning. We'll celebrate (this win) but we have to prepare again," wika ni Tolentino na nag-ambag ng 15 puntos mula sa 13 atake at 2 blocks, higit na ang mga importanteng hataw sa 3rd set upang maiwasang malubalob ang pinaghirapan noong Game 1 na nauwi sa come-from-behind panalo ng Cignal sa 5th set.
Umaasa ang 28-anyos na Fil-Canadian na hindi dapat magpakampante ang Titans sa Game 3 ng 6 p.m. dahil paniguradong babawi ang Cignal katulad ng pagkakamali na nangyari sa kanila noong game
2 na nauwi sa 25-18, 25-23, 14-25, 19-25, 10-15 pagkatalo.
Kinakailangang panindigan ng dating Ateneo Blue Eagles Lady spiker ang mahusay na laro katulong sina high-flyer Cherry Ann "Sisi" Rondina na lumista ng game high 23 puntos.
Comentarios