top of page
Search
BULGAR

Hawaan sa inuman na nauwi sa lockdown, mga perhuwisyo!

ni Ryan Sison - @Boses | May 04, 2021



Hawaan sa inuman.


Ito ang dahilan para mag-lockdown ang dalawang purok sa Iriga City, Camarines Sur, kamakailan.


Nag-umpisa ang lockdown sa Zone 1 at 3 sa Bgy. Santiago dahil 10 katao ang nagpositibo sa COVID-19 noong Abril 29 dahil nagkaroon ng hawaan sa mga purok nang umuwi roon ang ilang tao na dumalo sa isang inuman at kalauna’y nagpositibo sa COVID-19.


Kaugnay nito, nasa 264 pamilya ang apektado ng lockdown sa naturang barangay, na binibigyan ng lokal na pamahalaan ng suplay ng pagkain.


Kung tutuusin, nakalulungkot dahil maraming pamilya ang apektado dahil lamang sa naganap na inuman, pero no choice kundi mag-lockdown para mapigilan ang posible pang hawaan.


Bagama’t likas sa ating mga Pinoy ang pagha-happy-happy sa kabila ng mga kaganapan sa bansa, ‘wag nating kalimutan ang sitwasyon.


Tulad nito, sampu agad ang nagpositibo sa COVID-19, tapos daan-daang pamilya agad ang nadamay. Ang ending, hindi makalalabas ang mga residente at walang kayod.


‘Ika nga, wala namang masama sa pagsasaya, pero sana ay ‘wag umabot sa puntong makaabala o mandamay tayo ng ibang tao. ‘Yung tipong, party-party ngayon, tapos dedma sa mga puwedeng mangyari sa susunod na araw.


Bilang mamamayan, maging responsable tayo sa mga ginagawa natin. Kaya hangga’t hindi pa tapos ang pandemya, iwasan muna ang hindi mahahalagang ganap, lalo na kung alam ninyong magiging sanhi ito ng hawaan sa inyong lugar.


Isa pa, sa halip na magkusa, kailangan pa yata nating magmakaawa na mag-ingat ang bawat isa para mabawasan ang hawaan.


Kaya pakiusap sa lahat, iwasang magpasaway upang hindi madamay ang mga nananahimik nating kababayan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page