top of page
Search
BULGAR

Hatid ang serbisyo kahit saang sulok ng bansa

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | April 20, 2024




Sa ating ginagawang paglalapit ng serbisyo sa ating mga kababayan sa iba’t ibang komunidad, kahit pa gaano kalayo iyan ay pinipilit nating marating. Kung hindi man ako makarating nang personal dahil sa ating mga gawain sa Senado, laging naririyan ang ating Malasakit Team.Nagsagawa ang aking opisina ng serye ng relief effort noong April 16 hanggang April 18 sa mga komunidad sa Calayan, Cagayan. Natulungan natin ang 1,676 residente ng Brgy. Dalupiri, Brgy.  Babuyan Claro, at ng Brgy. Balatubat na naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyo. Nakatuwang natin si Mayor Joseph Llopis.Mahirap puntahan ang Calayan na isang malayong munisipalidad sa Babuyan Islands. Limitado rin ang transportasyon dito kaya malaking challenge para sa atin ang mabilisang paghahatid dito ng tulong. Gayunpaman, tiniyak natin na ang mahahalagang suporta at ayuda ay makararating sa ating mga kababayan sa Calayan.Bukod sa mga naipagkaloob ng aking opisina, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng tulong mula sa National Housing Authority sa ilalim ng programang isinulong natin noon at tinutulungang maipagpatuloy ngayon para may pambili ang mga ito ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pagtatayong muli ng kanilang tahanan. Ipinaalala rin natin sa mga benepisyaryo bilang tayo ang chair ng Senate Committee on Health na kung kailangan nila ng tulong medikal ay lumapit lang sa Malasakit Center na nasa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.


Personal naman nating sinaksihan ang paglulunsad ng ika-163 Malasakit Center na nasa Ospital ng Muntinlupa sa Muntinlupa City noong April 17 kung saan namahagi tayo ng tulong sa mga pasyente at frontliners.  Pinangunahan din natin ang pagkakaloob ng tulong sa 1,000 residente ng lungsod na nawalan ng hanapbuhay, na nabigyan din ng DOLE ng pansamantalang trabaho.Sa araw ding iyon ay binisita natin ang mga kababayan nating naging biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog at personal na nag-abot ng tulong sa mga ito kabilang ang 104 residente ng Pasay City, kung saan nagkaloob ang NHA ng dagdag na housing assistance para sa kanila, habang 673 naman na nasunugan sa Tondo, Manila ang nabigyan ng agarang tulong mula sa ating opisina.Ang Manaoag, Pangasinan naman ang ating binisita noong April 18 at nag-inspeksyon tayo sa itinayong Super Health Center sa Barangay Cabanbanan, kasama sina Cong. Toff De Venecia, Vice Governor Mark Lambino, Mayor Doc Ming Rosario, at iba pang mga lokal na opisyal. Pinangunahan natin ang pamamahagi ng tulong sa 500 residente na nawalan ng hanapbuhay, na nabigyan din ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Ilang barangay health workers din ang nakatanggap ng tulong mula sa aking opisina. Hindi naman natin pinalampas ang pagkakataon na makapagsimba sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag at nanalangin na lagi tayong bigyan ng lakas para maipagpatuloy natin ang ating sinumpaang tungkulin sa ating mga kababayan at laging makapagserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya at kapasidad. Nagpapasalamat rin ako sa mga local official ng Manaoag sa pagdeklara sa akin bilang adopted son ng kanilang bayan.Naging panauhin din tayo sa ginanap na Liga ng mga Barangay Camarines Sur Provincial Chapter Seminar sa paanyaya ni LnB Provincial Chapter President Christopher Jacinto. Ipinaalala ko sa mga barangay official na laging uunahin at huwag pababayaan ang mga mahihirap, hopeless at helpless sa kanilang mga komunidad dahil walang ibang malalapitan ang mga ito kundi ang gobyerno.  Pinangunahan naman natin kahapon, April 19, ang feeding program sa Philippine Children Medical Center sa Quezon City. Sinaksihan din natin ang World Liver Day Celebration sa naturang ospital at ang ceremonial blessing ng mga bagong biling MRI at CT Scan, sa paanyaya ni Executive Director Sonia Gonzalez. Ang pondo para sa mga equipment at pagpapaayos ng pasilidad ay inisyatiba natin at nina Sen. Sonny Angara at Sen. Pia Cayetano na nakapaloob sa 2023 budget. Dumalo rin tayo sa ginanap na PDP Laban 42nd Anniversary and National Council Meeting sa Cebu.Nakarating naman ang aking Malasakit Team sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang krisis. Tinulungan natin ang mga naging biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog kabilang ang dalawa sa Koronadal City, at dalawa sa T’boli, South Cotabato; anim na residente ng Bagumbayan, at tatlo pa sa Sen. Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat; dalawa sa Arakan, pito sa Libungan, at 17 sa Makilala sa North Cotabato; at 434 mula sa iba’t ibang barangay sa Cebu City. Gaya ng mga nabiktima ng bagyo sa Cagayan, ang mga ito ay nakatanggap ng tulong mula sa NHA sa ilalim ng programang ating isinulong.Tuluy-tuloy din ang ating pamamahagi ng agarang tulong para sa mga kababayan nating nasunugan tulad ng pito sa Parañaque City; 40 sa Toledo City, Cebu; 20 sa Malabon City; pito sa Calayan, Cagayan; at 207 sa Cebu City.Naabutan natin ng tulong ang mga mahihirap na residente ng iba’t ibang komunidad kabilang ang 1,000 sa Kidapawan City katuwang si Mayor Pao Evangelista; at 200 sa Brgy. 40-D Davao City katuwang si Kapitan Felizardo Villacampa; 1,150 sa Alaminos City, Pangasinan katuwang sina Mayor Bryan Celeste at iba pang lokal na mga opisyal; at 333 sa Enrile, Cagayan katuwang si Mayor Miguel Decena, Jr. Nakatanggap din ang mga ito ng tulong mula sa national government. Nabigyan din ng livelihood assistance ang 100 nating kababayan sa Kalawit, Zamboanga del Norte katuwang si Mayor Salvador Antojado, Jr.Nagbigay tayo ng dagdag na ayuda sa mga TESDA scholars kabilang ang 250 graduates sa Tacloban City, Leyte katuwang ang Call Center Academy; at ang 20 na dumalo sa kanilang orientation sa Pasig City katuwang si DILG Assistant Secretary Donie Puno. Namahagi rin tayo ng tulong sa 470 residente na benepisyaryo ng medical mission sa San Jose de Buenavista, Antique, katuwang si Vice Governor Ed Denosta.


Anumang pagsubok ang ating haharapin sa susunod na mga araw at nasaan man kayo sa ating bansa, patuloy akong magseserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko na ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page