top of page
Search
BULGAR

Hatian ng ari-arian, sakop sa kasong pagpapawalang-bisa ng kasal

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 28, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nais ko sanang magsampa ng kaso upang mapawalang-bisa ang aking kasal. Sa prosesong ito, maisasama na ba ang hatian ng aming ari-arian ng aking asawa, o kakailanganin ko pa bang magsampa ng panibagong aksyon para rito? — Mercedita


 

Dear Mercedita, 


Sa kasong napagdesisyunan ng Korte Suprema na Tanyag vs. Tanyag, G.R. No. 231319, November 10, 2021, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic M.V.F. Leonen, ay sinabing:


Upon the filing of the Petition for Declaration of Nullity of Marriage, the trial court also acquired jurisdiction over matters incidental and consequential to the marriage. Among these incidental and consequential matters is the settlement of the parties’ common properties, which entails a determination of which properties are included in and excluded from the co-ownership.


Yet, respondent filed a separate Petition for Declaration of Paraphernal Property, asking a different trial court to determine that the two parcels of land subject of the Property Case are not conjugally owned. By doing so, respondent committed forum shopping by splitting causes of action.” 


Sang-ayon sa nabanggit na kaso, ang hurisdiksyon ng korteng dumidinig sa petition for declaration of nullity of marriage ay sakop din pati ang mga ari-arian ng mga partidong sangkot dito. Ang mga ari-ariang ito ay madadaanan ng pagdinig ng korte, upang piliin at tukuyin ang parte ng common property ng mag-asawa, gayundin ang mga eksklusibong pagmamay-ari ng bawat isa sa kanila. 


Kung iyong mamarapating magsampa ng kaso upang mapawalang-bisa ang iyong kasal, hindi mo na kakailanganin pang magsampa ng panibagong kaso para hatiin ang ari-arian ninyong mag-asawa, sapagkat ito ay sakop na ng naunang kaso. Bagkus, kung pilit na magsasampa ng bukod na kaso para sa inyong mga ari-arian ay maaari pang makonsiderang forum shopping na ipinagbabawal ng ating batas. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page