ni Rohn Romulo @Run Wild | April 28, 2024
EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang Ice Seguerra, Videoke Hits na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.
Nagpa-survey pa sila sa type ng fans na marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang lumabas sa Top 4 ay Torete, Build Me Up, Buttercup, I Love You Goodbye at You’re Still The One.
May ibinuko naman si Ice sa kanyang wifey na si Liza Diño tungkol sa ika-apat na kanta.
Say ni Ice, “Kasi kanta ni Liza ‘yun sa ex niya.”
Dagdag pa niya, “Bukod du’n, hindi naman mawawala ang Dancing Queen, I Will Survive, Total Eclipse of the Heart at Halik. At bilang Sharonian ako, titira ako ng Bituing Walang Ningning at Sana’y Wala Nang Wakas.
“Isa sa mga favorite memories ko, birthday ko ‘yun, nagpunta kami sa resort ng barkada namin. Eh, medyo lasing na ako, hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko nang kinanta ko ‘yung Sana’y Wala Nang Wakas, feel na feel ko talaga.
“Umiiyak ako habang kumakanta ako, kinakantahan ko ang asawa ko. ‘Di ba ‘yung kanta, parang ang daming pinagdaraanan ng tao. Parang feel na feel ko talaga, na ang daming sacrifices for you (Liza). Ganu’n ako mag-videoke, fun.”
Kaya naman ipinarinig ni Ice ang acoustic version ng kanta, at tumahimik talaga ang lahat upang namnamin ang mapuso niyang pagkanta, na tiyak kaming maraming tatamaan sa manonood ng concert.
Natanong naman si Liza kung ano’ng kanta ni Ice ang kinakikiligan niya.
“Araw-Gabi talaga. Kasi si Ice, kapag kinanta niya `yun, sobrang landi. Tapos meron talaga siyang part na kapag kinanta niya ‘yung ‘nalalasing sa tuwa,’ alam mong may iniisip siya sa loob, na it’s a private thing that we have,” kuwento ni Liza at kasunod dito ay nag-sample si Ice ng naturang kanta.
Samantala, inamin ni Ice na 50 na kanta ang pinaghahandaan niya sa By Request segment na may live poll sa magaganap na 2-day concert, kaya malamang magkaibang top 3 songs, kaya kaabang-abang.
Wala raw special guest si Ice sa Videoke Hits.
“Si Ice, may special guest? Ayaw nga niyang pakantahin ang mga guests niya. Adik, parang hindi siya naggi-gig every week.
“Ice really loves to sing. Gustung-gusto niyang pini-please ang audience niya., ‘Pag gustung-gusto niya ang audience niya, naa-appreciate siya, tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya, kaya umaabot ng tatlong oras ang mga shows niya,” sabi pa ni Liza.
Ini-reveal na rin ni Ice na makakasama niya si Moira dela Torre sa bagong album na may 12 original songs na ire-release sa Setyembre 2024 at malamang may birthday concert din siya.
Samantala, sa intimate birthday party namin last April 24, sobrang nakaka-touch na si Ice ang nagsimula ng videoke, kung saan kinanta niya ang The Way We Were at Evergreen ng favorite naming si Barbra Streisand na birthday nu’ng araw na ‘yun.
May bonus pa, dahil nag-duet pa sila ni Liza sa awiting Superstar ng Carpenters na fave singer din namin. Kaya sobrang saya and memorable ang aming post 58th birthday celebration.
Comments