ni Jasmin Joy Evangelista | October 9, 2021
Inihayag nitong Biyernes ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi na siya tatakbo bilang senador para sa halalan 2022.
Ito ay matapos hindi maghain ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng kandidatura sa pagkapangulo.
Matatandaang sinabi noon ni Roque na tatakbo lamang siya sa pagkasenador kung lalaban si Duterte-Carpio sa pagkapangulo.
“Kinakailangan po mayroon tayong isang salita at minsan na po akong nagsabi na tatakbo lang ako kung tatakbo po si Mayor Sara Duterte. Handa po ang aking certificate of candidacy," sabi ni Roque sa kanyang press briefing noong Huwebes.
Pinal na raw ang kanyang desisyon na umatras sa senatorial race.
"That's what I declared," tugon ni Roque nang matanong matapos ang hindi pagsumite ni Duterte-Carpio ng CoC sa pagkapangulo sa Commission on Elections (Comelec).
“She said there will be no substitution," dagdag niya.
Comments