top of page
Search
BULGAR

Happy Walk, handog ng DSAPI at SM Cares sa mga taong may Down Syndrome

ni Fely Ng @Bulgarific | March 1, 2023


Hello, Bulgarians! Isang masayang pagdiriwang ang ginanap sa SM Mall of Asia kamakailan para sa mga taong may Down Syndrome. Sa nasabing event, itinampok ang kantang "Natatanging Nilalang" ni Ronnie Lee na naglalarawan sa lahat ng katangiang nagpapa-espesyal sa mga indibidwal na ito. Ang pagbibigay-halaga sa mga taong may Down Syndrome at kanilang mga pamilya ay isa sa mga adbokasiya ng Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI). Mula nang itatag ito noong 1991, naging aktibo ang organisasyon sa pagpapatupad ng mga inisyatiba na tumutugon sa mga taong ito, isa na rito ang Happy Walk for Down Syndrome sa pakikipagtulungan sa SM Cares.



Ang Happy Walk for Down Syndrome ay isang annual event kung saan nagtitipon ang mga taong may Down Syndrome at kanilang mga mahal sa buhay para sa isang buong araw na kaganapang nakatuon sa pamilya na puno ng masasayang aktibidad at entertainment. Idinaraos ito tuwing Pebrero bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month, naglalayon itong isulong ang kamalayan at mas mahusay na pang-unawa sa mga ganitong kondisyon.


“Happy Walk for Down Syndrome is all about bringing those with the condition and their families together. More importantly, the goal of the event is to give them a platform for their voices to be heard, so that the everyone can know more about them, about the challenges that they encounter every day, and what all of us can do to make life better for them,” sabi ni Engr. Bien C. Mateo, SM Supermalls Senior Vice President and SM Cares Program Director for Disability Affairs.


Kabilang sa iba pang PWD-friendly initiatives ng SM Cares ang Annual Angels Walk sa pakikipagtulungan ng Autism Society Philippines, na ginaganap tuwing Enero bilang pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week; ang annual Sensitivity Training for Customers with Different Needs, na nagtuturo sa mga kawani ng mall at security personnel kung paano pangalagaan ang mga PWD; at ang Annual Emergency Preparedness Forum na nagtuturo sa mga PWD at senior citizen kung ano ang gagawin sa panahon ng mga emergency.


Ang SM Cares ay ang Corporate Social Responsibility arm ng SM Supermalls, na may mga programang sumusuporta sa mga komunidad, nagtataguyod ng panlipunang pagsasama, at nangangalaga sa kapaligiran. Bukod sa programa sa PWDs, kabilang sa mga adbokasiya nito ang Programs for the Environment, Women & Breastfeeding Mothers, Children & Youth, Senior Citizens, at ang SM Bike-friendly initiative. Para mas malaman pa ang ibang detalye, bisitahin ang www.smsupermalls.com/smcares.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page