ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Dec. 28, 2024
Sa pagtatapos ng 2024, maraming oportunidad ang dumating sa ating buhay. May mga pagsubok din na maluwalhati nating nalampasan. Nariyan din ang mga leksyon ng mga nakaraang panahon na naging daan para lalo tayong matuto at maging mas malawak ang pananaw sa buhay.
Ang pagsapit ng panibagong taon ay laging may hatid na bagong pag-asa. Kaya naman kabilang sa panalangin ko ang higit na magandang buhay para sa aking mga kababayang Pilipino ngayong paparating na 2025. Ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap at huwag tayong bibitiw sa ating mga pangarap. Bagong taon, bagong hamon, bagong tagumpay.
Panatilihin natin ang ating pagmamahal sa pamilya, sa kapwa Pilipino at sa ating bansang Pilipinas. Patuloy tayong magkaisa at magbayanihan para makamit natin ang ating inaasam na pagsulong at pag-unlad.
Pangalagaan natin ang ating kalusugan. Sa pagsalubong sa 2025, mag-ingat tayo sa ating pagdiriwang. Masarap salubungin ang New Year na kumpleto ang ating katawan, wala tayong nararamdamang sakit at walang napinsala sa mga ari-arian at kabuhayan. Simulan din natin ang bagong taon nang may panibagong sigla at puno ng pag-asa.
Upang higit namang maipadama sa ating mga kababayan, lalo na ng mga nangangailangan, ang diwa ng Kapaskuhan at ang sigla ng papasok na taon, tuluy-tuloy tayo sa paghahatid ng serbisyo at sa iba pa nating mga gawain sa labas ng Senado. Nakiisa tayo noong December 21 sa ginanap na Pilipinas Super League President’s Cup Opening Ceremony sa San Juan City sa paanyaya ni PSL President Cris Bautista.
Bumisita naman tayo sa Davao Oriental noong December 23 at personal na sinaksihan ang turnover ceremony ng itinayong Super Health Center sa Brgy. Calapagan sa Lupon. Matapos ito ay dumiretso tayo sa Mati City para pangunahan ang turnover ceremony ng ambulansya para sa mga munisipalidad ng Baganga, Boston, Caraga, Cateel, Manay, Tarragona, at ng Mati City. Sinaksihan din natin ang pagbubukas ng City Wide Musabaqah Sports Activity sa paanyaya ni Coun. Bong Alcantara.
Sinaksihan din natin ang turn over ceremony ng itinayong Super Health Center sa Brgy. Bagumbayan — sa Lupon pa rin — gayundin ang turn over ng ambulansya para sa Lupon at San Isidro. Pinangunahan din natin ang pamamahagi ng tulong para sa 3,600 mahihirap na residente ng Lupon, na sa ating pakikipagtuwang sa lokal na pamahalaan ay nabigyan din ng tulong pinansyal. Naimbitahan din tayo sa ginanap na Philippine Military Academy Alumni Association Eagle Fraternal Chapter Inc. Christmas Party sa Davao City sa paanyaya ni former Usec. Nestor Quinsay, kung saan guest speaker si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa Sarangani naman tayo noong December 26 at binisita natin ang bagong naitayong Super Health Center sa Malungon. Personal din nating sinaksihan ang ribbon cutting and turn over ceremony ng itinayong footbridge sa Brgy. Malandag, Malungon kasama natin si Mayor Theresa Constantino. Ang naturang proyekto ay napondohan sa ating kapasidad bilang vice chairperson ng Senate Committee on Finance.
Kahapon, December 27, nasa Davao del Norte tayo at personal na pinangunahan ang pamamahagi ng tulong para sa 300 maliliit na negosyante ng Braulio E. Dujali, Carmen, and Sto. Tomas. Matapos ito, dumiretso tayo sa Tagum City at nagsagawa ng katulad na relief effort kung saan 300 maliliit na negosyante mula naman sa Tagum City, Asuncion, at Kapalong, ang ating naging benepisyaryo. Sa ating inisyatiba at pakikipagtuwang sa DTI, nakatanggap din sila ng livelihood kits.
Dumalo rin tayo sa ginanap na MMFF 50th Anniversary Awards Night sa Parañaque City.
Tuluy-tuloy din ang aking Malasakit Team sa paghahatid ng tulong. Naalalayan natin ang 55 residente ng Talisay City, Cebu na naging biktima ng insidente ng sunog.
Nahatiran din ng tulong ang mga nawalan ng hanapbuhay sa Iloilo kabilang ang 54 sa Calinog katuwang si VM Anthony Gustilo; at 90 sa San Dionisio kaagapay naman si Mayor Darwin Bajada. Sa ating pakikipagkapit-bisig sa DOLE, nabigyan pa sila ng pansamantalang trabaho.
Binalikan natin at muling binigyan ng tulong ang mga naging biktima ng Bagyong Egay sa Davao Oriental kabilang ang 35 sa Tarragona, at dalawa sa Lupon. Nakatanggap din sila ng emergency housing allowance mula sa NHA sa ilalim ng programang ating isinulong para may pambili sila ng materyales sa pagpapaayos ng kanilang nasirang tahanan.
Natulungan din natin ang 100 maliliit na negosyante sa New Corella, Davao del Norte na sa ating inisyatiba ay nakatanggap din ng livelihood kits mula sa DTI.
Naalalayan natin ang 1,000 mahihirap na residente ng Famy, Laguna katuwang si Mayor Lorenzo Rellosa. Sa ating inisyatiba, nakatanggap pa sila ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.
Ang aking sipag ang isa sa aking maiaalay sa mga kapwa nating Pilipino dahil bisyo ko ang magserbisyo, at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos. Ito ang inyong Senator Kuya Bong Go na bumabati ng happy, healthy New Year sa inyong lahat!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comments