top of page
Search
BULGAR

Haping-hapi na nakabalik na… IVANA AT ZEINAB, TODO-DISPLEY NA NAMAN NG KATAWAN SA FB

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 9, 2022




Mabuti naman at naibalik ang Facebook page ni Ivana Alawi na merong 19 million followers, kaya active na naman ito sa pagpo-post ng mga bagong contents.


Pagkatapos ngang mag-post ng reklamo ng sexy actress-vlogger sa kanyang mga social media accounts dahil takang-taka talaga si Ivana kung bakit biglang natanggal ang FB pages niya na wala naman daw siyang matandaang ginagawang violation, kung saan marami ang nakisimpatya sa kanya at nanghihinayang dahil sa milyun-milyon niyang followers, muli nang ibinalik ng Facebook ang isang account niya and for sure, madaragdagan pa ang kanyang mga followers.


Kaya masayang post ng bida ng A Family Affair, "I'm back!! Finally, naibalik at naayos na ng Meta ‘yung page ko. Working na sila to fix our Ivana Skin page.”


At dahil naibalik na ang kanyang page, may new vlog ito na may title na Swapping Rooms for 24 hours kasama ang kapatid.


May latest selfie post din si Ivana na suot ang white shirt na naka-fold para kitang-kita ang pusod at laced black panty, na pinagpiyestahan na naman ng mga barako at tuwang-tuwa sa pagbabalik ng kanyang FB page.


Samantala, tulad ni Ivana, bigla ring nawala ang FB page ng isa sa mga brand ambassadors ng Beautederm at sikat ding social media star na si Zeinab Harake na may 12 million followers naman.


Pero ngayon ay naibalik na rin ng FB, kaya post ng vlogger/YouTuber, "I'm back Facebook (smiling face with heart eyes, white and black hearts emojis),” kasama ang photo kung saan nakatalikod siya at kitang-kita ang shape ng kanyang behind. At nagbunyi rin ang kanyang mga followers.


At winner ang new vlog ni Zeinab dahil ka-collab niya ulit si Ivana sa Horror House Challenge. "Ito na ang pagbabalik ng 'alake sister', sobrang katatawanan at kalokohan kasama kami ni Ivana. Tingnan kung sino’ng na-prank sa video na ‘to, aratna sa YT ko."

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page