top of page
Search
BULGAR

Hangarin ng Kamara na ma-impeach si VP Sara, ‘suntok sa buwan’

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 12, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAHIL VOTE STRAIGHT SA PDP CANDIDATES, HIRIT NI EX-P-DUTERTE, PARANG NANAWAGAN NA RIN SIYA SA MILYUN-MILYONG DDS NA IBASURA ANG MGA ‘MANOK’ NI PBBM SA 2025 ELECTION -- Nanawagan si ex-P-Duterte sa milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) na i-vote straight sa pagka-senador ang mga kapartido niya sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na sina reelectionists Sen. Bong Go at Sen. Ronald Dela Rosa, kasama sina Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, actor Philip Salvador, former Pagcor official, singer Jimmy Bondoc, former Presidential Adviser for Northern Luzon Raul Lambino at former Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) Usec. Jayvee Hinlo.


Dahil vote straight ang hirit ni ex-P-Duterte para sa mga PDP senatorial candidates ay parang nanawagan na rin siya sa mga DDS na ibasura ang mga ‘manok’ ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagka-senador, boom!


XXX


HANGARIN NG KAMARA NA MA-IMPEACH SI VP SARA, ‘SUNTOK SA BUWAN’ -- Nakiisa na rin si Sen. Sherwin Gatchalian kina Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa, Robin Padilla, Migz Zubiri, Nancy Binay, Jinggoy Estrada at JV Ejercito sa pagkontra sa pagpapa-impeach kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, at bagama’t wala pang official statement sa isyung ito si Sen. Imee Marcos ay posibleng tutulan din niyang ma-impeach ang bise presidente.


Dahil diyan ay masasabing “suntok sa buwan” ang hangarin ng Kamara na ma-impeach si VP Sara, period!


XXX


HINDI LANG MGA BAGYO SANHI NG PAGLAGAPAK NG EKONOMIYA NG BANSA, KUNDI PATI SA MALALANG KORUPSIYON SA ‘PINAS -- Inanunsyo ng World Bank (WB) na lumagapak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.


Sa totoo lang, hindi lang naman ang mga nanalasang bagyo sa bansa ang sanhi ng paglagapak ng ekonomiya, kundi pati ang malalang korupsiyon sa ‘Pinas, boom!


XXX


MALAPIT NANG MAHUBARAN NG MASKARA ANG MGA RICE IMPORTER NA MIYEMBRO NG SINDIKATONG RICE CARTEL -- Hiniling ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na tingnan kung nagbabayad ng tamang buwis ang mga rice importer sa bansa.


Ayos ‘yan, at dahil diyan ay malapit nang mahubaran ng maskara kung sino sa mga rice importer ang mga miyembro ng sindikatong rice cartel na naghu-hoard ng bigas na nagdudulot ng pagtaas ng presyo nito sa merkado, abangan!




Comentaris


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page