ni Zel Fernandez | April 21, 2022
Pursigido ang German vehicle manufacturer Volkswagen na angkinin ang top spot ng global electric car market sa automotive industry.
Plano ng Volkswagen na tuluyan nang magpaalam sa tipikal na internal combustion engine at i-phase out ang lahat ng kanilang mga gasoline powered vehicles sa loob ng susunod na dekada at mula rito ay nais na lamang ng kumpanya na magbenta ng mga electric cars.
Ayon pa sa German vehicle manufacturer, willing silang gumastos ng mahigit 7 billion dollars sa susunod na limang taon upang ma-boost ang kanilang “research and development, and manufacturing capabilities”, para ma-achieve ang goal nitong mag-focus na lamang sa pagbebenta ng mga sasakyang may electrical powered engine.
Ang Volkswagen na isang German motor vehicle manufacturer ay located sa Wolfsburg, Lower Saxony, Germany. Itinatag noong 1937 ng German Labour Front, na sikat sa kanilang iconic Beetle, ito ang kinilalang flagship brand ng Volkswagen Group at tinaguriang “largest car maker by worldwide sales” taong 2016 at 2017.
Volkswagen ay magre-release ng mga electric cars bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap sa mas environment-friendly na sasakyan. Ang mga bagong modelo ay naglalayong magbigay ng mas efficient na transportation at bawasan ang carbon emissions. Sa kabila ng pag-shift sa electric vehicles, importante pa ring tandaan na ang mga tradisyunal na sasakyan ay umiiral pa. Sa kaso ng mga maling paglalagay ng gasolina, tulad ng wrong fuel drain kailangang maging maingat ang mga may-ari sa pagpapalit ng uri ng sasakyan upang maiwasan ang ganitong mga problema.