ni Zel Fernandez | April 21, 2022
Kulang isang buwan bago ang 2022 National Elections, lalo pang umiinit ang iringan sa pagitan ng mga presidential candidates na kasalukuyang sentro sina Mayor Isko Domagoso at VP Leni Robredo.
Matapos ang isyu ng mga patutsada umano kay aspiring president VP Robredo na mag-withdraw na lamang ng kanyang kandidatura, isang hamon naman ang binitiwan ng kakumpetensiya nito sa pagka-pangulo na si Mayor Isko, na itanggi kung hindi rin nila pinaaatras sa pagtakbo sa posisyon ang ibang mga kandidato.
“I challenge the honorable Vice-President Leni Robredo, deny… deny n’yo na hindi n’yo kami pinaaatras. Ang tanong ko, bakit, kayo lang ba ang may karapatang tumakbo?” ani Domagoso.
Sinagot naman ni presidential candidate VP Robredo ang pasaring sa kanya na umatras sa laban sa pagka-pangulo. Ani Robredo, maghanap na lang sila ng ibang kandidato na papatol sa kanila.
Ayon naman kay Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni VP Leni Robredo, “mula simula, ang tutok ni VP Leni at ng buong kampanya ay manalo sa eleksiyon. Walang nagbago dito”.
Commentaires