ni Eli San Miguel @International Entertainment | June 6, 2024
Ibinunyag ng singer na si Halsey na siya ay kasalukuyang lumalaban sa hindi pinangalanang karamdaman. Ibinahagi niya ang balita sa Instagram sa pamamagitan ng isang serye ng mga video na tila dokumento ng pagtanggap niya ng mga infusions. “Long story short, I’m lucky to be alive.
Short story long, I wrote an album,” aniya sa kanyang post. Bagaman hindi nagbigay ng detalye ang 29-anyos tungkol sa kanyang mga kondisyon, nagbigay naman siya ng mga pahiwatig na siya ay may lupus at leukemia.
Ayon sa isang press release, nagbibigay si Halsey ng donasyon sa parehong The Leukemia & Lymphoma Society at sa Lupus Research Alliance kasabay ng paglabas ng bago niyang kantang "The End" noong Martes.
Ang kanyang nasabing upcoming album ay ang kasunod ng huling album na inilabas niya noong 2021, "If I Can’t Have Love, I Want Power," na isang malaking proyekto na ginawa kasama ang tulong nina Trent Reznor at Atticus Ross mula sa Nine Inch Nails.
Kilala si Halsey bilang U.S. singer-songwriter, na ang tunay na pangalan ay Ashley Nicolette Frangipane, na sumikat sa kanyang kanta na "Closer" kasama ang The Chainsmokers at sa kanyang debut album, "Badlands," na naging platinum sa U.S.
Comments