ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 9, 2025
Photo: Jak Roberto sa It's Showtime.
“Magpasalamat s’ya sa breakup nila, ‘noh? Nagkaroon s’ya ng regular na gig,” sigaw ng mga nagsasabing dapat pa ngang maging grateful si Jak Roberto sa hiwalayan nila ni Barbie Forteza.
Sa halos araw-araw kasing exposure sa isang portion sa It’s Showtime (IS), daig pa raw nito ang naka-hit ng jackpot.
“Ngayon lang s’ya nagkaroon ng ganyang exposure. Mas nakilala at na-appreciate ang kaguwapuhan at talent niya ng marami. Pero dapat, wala nang reference kay Barbie (Forteza). Ok na ‘yun,” hirit pa ng mga nagsasabing need nilang i-protect si Barbie, lalo’t madalas daw natutukso ang binata sa naturang segment.
After kasing sumambulat sa madla ang naging breakup nina Jak Roberto at Barbie Forteza after 7 years, dumami ang opportunities ng aktor, kasama na ang endorsement, negosyo at TV exposure.
‘Yun nga lang, wala raw tayong nababalitaan na ginagawa niya ngayon sa bakuran ng GMA-7.
KILALA ng lahat si Jake Ejercito bilang very vocal pagdating sa kanyang political views.
Sa nangyayaring usapin kay VP Sara Duterte, naging reaksiyon nito na mas masakit pa raw ang iwanan o makipag-break sa jowa kesa sa nangyaring impeachment case sa kanya ng Kongreso.
At dahil pinag-uusapan naman ang diumano’y pag-unfollow sa socmed ng isa’t isa nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann, naikonekta ng netizen ang statement ni VP Sara sa nangyari kina Philmar at Andi, sabay tag kay Jake.
At dahil sa kulit at dami ng tag kay Jake, mabilis itong sumagot at buong-ningning nitong sinabi na “Wala akong feelings”.
Whether patungkol man ‘yun kina Andi at Philmar or whatever, maliwanag na ayaw makialam ng aktor sa isyu ng ex.
Pero ikinaloka ng marami ang sinabi nitong masyadong invested ang mga tsismosa gaya ng idol nila kung saan ginamit nito ang picture ni VP Sara. Hahahaha!
Ang daming kalokohan talaga sa socmed (social media).
SA mga batang 2000s, matatandaan nila si Aleck Bovick bilang isang sexy actress na may kontrobersiyal na ‘Best Actress award’.
Sila noon nina Rosanna Roces, Ara Mina and company ang madalas na napagkukumpara dahil despite their sexy image, may husay sa pagganap ang mga ito.
Naging mainit na isyu rin noon ang pakikipagrelasyon niya (at nagkaroon sila ng anak) kay Carlo Maceda, isa ring sexy hunk actor.
Active pa rin si Aleck sa mga TV shows pero ngayon, aminado na siyang member ng LGBTQIA+ community. Na finally daw ay natanggap na niya ang sarili bilang babae ang gender pero iba na ang orientation at preference.
And yes, may partner na rin daw siyang babae or kagaya niya.
Marami tuloy ang nanumbalik na mga “blind items” noong kasagsagan ng career niya hinggil sa mga tsikang noon pa man ay “practicing” na siya as an LGBTQ member.
Kagaya ni Rosanna Roces na LGBTQ practitioner na rin, “pure happiness and peace of mind” daw ang higit na mahalaga sa mga buhay nila ngayon.
Comentários