ni Jasmin Joy Evangelista | September 14, 2021
Halos anim na milyon na ang fully vaccinated sa Metro Manila habang nasa 8.4 million o 85.73 percent naman ang naka-first dose na, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
“After one month, those who would have the second dose in our projections will be about 79 percent of the population of Metro Manila," ani Abalos.
Sa December 12 naman ang projection ng fully vaccinated sa NCR ay 88.5 percent.
Samantala, maging mga hindi taga-Metro Manila ay pinababakunahan din ng mga mayor, ayon kay Abalos.
Comments