top of page
Search
BULGAR

Halos 37K indibidwal nakatanggap ng medical assistance sa Senado

ni Lolet Abania | March 30, 2022



Nasa tinatayang 36,997 indibidwal na naka-confine sa mga pampublikong ospital sa buong bansa ang nakatanggap ng medical assistance mula sa Senate Public Assistance Office (SPAO) noong 2021, ayon sa report ni Senate Secretary Myra Marie Villarica ngayong Miyerkules.


Sa isang statement, sinabi ni Villarica na sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 11,514 ang mga pasyente na nasa National Kidney and Transplant Institute (NKTI); 11,376 sa Philippine Heart Center (PHC); 2,103 sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC); 1,831 sa East Avenue Medical Center (EAMC) at 1,569 sa Lung Center of the Philippines (LCP).


“Some of the patients assisted by SPAO are in the late stages of cancer and chronic kidney disease,” sabi ni Villarica.


Sa panahon naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pandemic noong 2020, binanggit ni Villarica na naasistihan din ng Senado ang mga Pilipino na nangangailangan ng medikal na atensyon habang nagbukas sila ng mga online applications para sa medical assistance.


“In 2020, the Senate provided 21,755 various forms of medical assistance,” sabi ni Villarica. Ayon pa sa Senate secretary, patuloy nilang palalakasin ang SPAO upang makapaglingkod pa sa pagitan ng mga kababayan at iba pang kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno.


“The instruction of Senate President Sotto is clear: alleviate the sufferings of our countrymen by providing medical assistance especially to indigent patients in the most efficient manner,” giit ni Villarica.


Sa mga indibidwal na gustong maka-avail ng medical assistance program ng Senado, dapat ay naisyuhan sila ng isang guaranteed letter na mula sa Department of Health (DOH). Pangunahing binibigyan naman at nakakakuha ng medical assistance program sa lahat ng 70 DOH hospitals sa buong bansa.


Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, ang upper chamber ay patuloy na tutulong sa mga Pilipino para magbigay ng mga medisina at medical care na batay na rin sa kanilang constitutional mandates.


“We have strengthened our public assistance office to cater to the growing needs of our people in terms of medical and social services. We want to be with them in the most difficult time in their life. We are glad that we have helped thousands of patients seeking assistance from our office and the various offices of the senators,” sabi ni Sotto.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page