ni Jasmin Joy Evangelista | December 21, 2021
Dumating na sa NAIA Terminal 3 nitong Lunes (Dis. 20) ng gabi ang eroplanong may dala ng 976,950 doses ng government-procured Pfizer COVID-19 vaccine.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 976,950 Pfizer doses ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank. Lumapag ang delivery sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9 p.m.
Kahapon din ay natanggap ng Pilipinas ang 1,776,060 doses ng Pfizer na donasyon ng United States.
Mula nang magsimula ang vaccine deliveries sa bansa noong Pebrero, umabot na sa 187,165,885 ang COVID-19 vaccines ng Pilipinas as of December 20, kung saan, 107,259,520 dito ay binili ng national government.
As of December 19, nakapag-administer na ang bansa ng 100,907,667 vaccine doses.
Nasa tinatayang 43.5 milyong Pilipino naman ang fully vaccinated na.
Comments