ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 6, 2023
Malamang sa malamang ay magulat ka rin kung paano nagawa ng 92-years-old na sumali sa isang marathon.
Mapapasana all ka na lang talaga, dahil biruin mo ‘yun hindi naging hadlang ang kanyang edad sa mga gusto niyang gawin.
Curious na ba kayo kung sino ang aking tinutukoy? Siya lang naman si Mathea Allansmith, ang itinanghal na pinakamatandang babae na nakatapos ng marathon na ginanap sa U.S.
Lumaban siya noong Disyembre 11, 2022, at itinakbo lamang niya ng 10 hours, 48 minutes and 54 seconds ang 42.1 km. Grabe, ‘di ba? Kahit siguro ang mga bagets ay bibilib sa kanya.
Si Allansmith, ay 93-anyos na ngayon at nananatiling maganda sa pamamagitan ng pagtakbo ng anim na araw sa isang linggo, umulan man o umaraw ay wala umanong nakakapigil sa kanya.
Ayon sa kanya, “The Honolulu Marathon is my favorite marathon partly because they don’t close the gate at a certain time which allows even the slowest runners to finish the race.”
Dagdag pa niya, “running in cities around the world has allowed me to really get a feel for different places and people,”
Lingid sa ating kaalaman siya rin ay isang retired doctor na ngayon ay naninirahan sa Koloa, Hawaii.
Sa araw ng kanyang world record, ginulat siya ng kanyang anim na anak sa pamamagitan ng pagsusuot ng pare-parehong t-shirt na nagsasaad ng tagumpay ng kanilang ina. Labis ang kanyang kagalakan, at ngayon ay plano niya pa ring ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo.
Maraming humanga sa kanyang kakayahan at dahil dito mukhang marami ring mga senior citizen dito sa ‘Pinas ang ‘di magpapatalo. Looking forward na ako sa mga nagnanais magpakitang gilas.
Nawa’y maging tulay ito upang ‘di panghinaan ng loob ang ating mga mahal na ka-BULGAR na ipagpatuloy ang kanilang nais.
Comments