FGni Angela Fernando - Trainee @News | November 10, 2023

Posibleng 'inside job' ang hacking na ginawa sa website ng House of Representatives kamakailan.
Ayon kay Secretary General Reginald Velasco, maaaring na-hack ang email o telepono ng tagapamahala ng website ng Kamara kaya napasok din nito ang kanilang website.
Kasalukuyang 'di pa nahahanap ang salarin sa hacking kahit na 4 hanggang 5 ang administrators nito.
Aniya, maaaring inside job ang nangyari sa email at cellphone ng mga administrators.
Wala namang nakuhang mahahalagang impormasyon o data ang mga hackers at ginamit lang 'to para magpaskil ng meme gamit ang website ng HOR.
Dahil dito, pinayagan ni Speaker Martin Romualdez ang pagbuo sa cybersecurity committee na hawak ni Velasco.
Comments